Agot at Nikki, dismayado sa gabi ng parangal!
Ipinahayag nina Agot Isidro and Nikki Valdez sa kani-kanilang social media accounts ang pagkadismaya sa naging resulta ng katatapos lang na MMFF awards night.
Hindi kasi nakakuha ng kahit anumang award ang pelikula nilang Family Matters at ang tanging nakuha lang nito ay ang special award na Gatpuno J. Villegas Cultural Award.
Pinagkaitan din sila sa nominasyon dahil iilan lang ito at hindi rin nominado sa major categories.
Kaya naman hindi naitago ng mga bidang sina Agot at Nikki ang kanilang pagkadismaya.
Tweet ni Agot, “nagsama sama ang pamilya Florencio kagabi except kay Mommy & Daddy. Umuwi na medyo disappointed na hindi napansin man lang ang ibat ibang aspeto ng aming pelikula. Although, Salamat sa Gatpuno Villegas Cultural Award. Much appreciated.”
Tweet naman ni Nikki, “Hindi man kami nanominate sa napakaraming categories kagabi, pinakamasarap na award na sa amin ang marinig sa karamihan na “blessing” ang pelikula namin sa kanila. Dun palang, panalong panalo na kami.”
Ang Deleter ng Viva Films na pinagbibidahan ni Nadine Lustre ang big winner sa MMFF awards night with seven awards including the Best Picture, Best Actress, and Best Director (Mikhail Red).
BB, gustong makatrabaho si Daniel
Ang ganda ng pagbabalik ni BB Gandanghari sa Pilipinas dahil may hosting job na agad siya. Isa siya sa nag-host sa Metro Manila Film Festival Awards Night last Dec. 27 at pinagkaguluhan nga ng press ang kanyang pagdating sa venue sakay ng Porsche car.
Ayon kay BB sa kanyang panayam, masayang-masaya siya sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao sa kanyang pagbabalik sa bansa after seven years.
Bukod nga sa nagkaroon agad siya ng hosting job ay may offers din daw sa kanya na gumawa ng TV series at pelikula.
“Hopefully matuloy lahat ‘yan,” sambit niya.
When asked kung sino ang gusto niyang makatrabaho among our younger stars, aniya ay ang pamangkin niyang si Daniel Padilla.
Ang plano nga lang daw niya talaga sa kanyang pagbabalik ay bakasyon lang but at the rate things are going, mukhang hindi raw siya makakapagbakasyon. But thankful siya sa opportunity lalo na nga ang ibinigay sa kanyang pagkakataon na makapag-host ng MMFF Awards Night.
Sobrang happy rin ni BB sa acceptance ng mga tao sa kanya partikular na ang mga non-showbiz people.
“Nagpunta ako ng Binondo, lumakad ako do’n, walang nambastos, not even once. Everyone is very welcoming and loving. So, I can’t really ask for more,” she said.
Of course, masayang-masaya raw siya na nakapiling niya ang kanyang pamilya lalo na nga ang kanyang inang si Eva Cariño-Padilla na matagal na panahong hindi niya nakapiling.
- Latest