Carmina at kambal, first time sa serye
Kung matagal nang magkakasama ang mag-iinang Carmina Villarroel at ang kambal nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy, sa Saturday morning show nilang Sarap, Di Ba? sa GMA 7, first time lamang naman silang magkakasama-samang mag-iina sa isang drama series, ang top-rating GMA Afternoon Prime Abot-Kamay na Pangarap.
Yes, magkakaroon ng special participation ang kambal sa serye na gaganap din silang twins, na mapapasok sa Apex Hospital dahil magkakaroon ng organ transplant si Cassy, na ido-donate ni Mavy. Natanong nga si Carmina kung sa personal na buhay na mangyayari iyon sa kambal, papayag ba si Mavy?
“Yes, noon pa sinasabi iyon ni Mavy na kung dumating ang time na kailangan, gagawin daw niya para sa aming family niya,” sagot ni Carmina. “Na-excite ako nang pumayag ang kambal na mag-guest sa serye namin, dahil ngayon nga lamang kami magkakasamang tatlo sa isang drama serye.”
Ayon naman kina Mavy at Cassy, medyo raw ninerbyos sila nang malaman nilang maggi-guest sila sa serye ng ina, kasama si Jillian Ward, pero na-excite din silang makasama nila sa isang drama series. Mapapanood sina Mavy at Cassy every 2:30 p.m. after Eat Bulaga.
Natanggap ang greatest christmas gift
Juan “Uno” Andres ang name ng first born ni Kapuso actress Rita Daniela sa non-showbiz boyfriend niya. Born on Dec. 22, 2022 si Uno at nag-post agad si Rita sa kanyang Instagram.
Rere, ayaw panoorin ng pamilya
Kung magkakaaway sa Unica Hija ang characters nina Kate Valdez, Faith Da Silva at Rere Madrid, off-camera naman ay very sweet sila sa isa’t isa lalo kung magkakasama sila sa set ng GMA Afternoon Prime.
Sa isang interview, inamin ni Rere, nakababatang kapatid ni Ruru Madrid, na ayaw panoorin nito at ng family nila ang eksena niya dahil sa pagiging daring ng character niya, na siya pa ang kumi-kiss sa dating boyfriend niya sa story, played by Kelvin Miranda.
Ang Unica Hija na nagtatampok din kay Katrina Halili, ay napapanood daily, 3:25 p.m. sa GMA 7 after ng Abot-Kamay na Pangarap.
- Latest