^

Pang Movies

Heart, nagso-solong nag-pasko sa Paris!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Heart, nagso-solong nag-pasko sa Paris!              
Heart

Kinagiliwan na naman ng netizens at ng kanyang mga Instagram followers ang recent post ni Heart Evangelista.

Kasalukuyang nasa Paris si Heart base na rin sa kanyang mga post. Sa isang larawan na in-upload niya ay makikitang nasa street siya at may dalang mga sosyal na tinapay na nakalagay sa eco bag. But take note, Chanel lang naman ang naturang tote bag.

Caption ni Heart, “Yung inutusan kang bumili ng tinapay ng kapatid mo.”

As always, in awe ang netizens sa kasosyalan ng outfit ni Heart with matching Hermes Birkin bag pa.

“That bag and those bread are a true fashion statement. Cool,” komento ng isang netizen.

“Bili ng tinapay in style…yes? Pak!!!!” reaksyon naman ng isang IG user.

“Grabeee naman yung bibili ng tinapay amoy expensive,” comment ng isa pang netizen.

“No doubt, kahit anong bitbitin mo dyosa pa rin,” sey naman ng isa niyang follower.

“Sesyel! Hermes Shadow,” puna naman ng isa pang netizen.

“Sana all channel ang bayong,” sabi naman ng isa pa.

Obviously ay sa Paris nag-celebrate ng Christmas si Heart base sa kanyang mga posts. We just don’t know kung sino ang kasama niya but definitely ay hindi ang asawang si Chiz Escudero since almost confirmed na nga na hiwalay na sila.

Angel, kinontra ang mga intriga kay Neil

Ipinakita naman ni Angel Locsin na very much together pa rin sila ng asawang si Neil Arce contrary sa mga naglabasang tsismis na hiwalay na sila.

Noong araw ng Kapaskuhan mismo ay nag-post si Angel sa kanyang Facebook account ng larawan nila ni Neil at binati ang kanyang followers.

Makikita sa larawan sina Angel and Neil na masayang magka-akbay sa tabi ng malaking Christmas tree sa bahay nila.

“From our family to yours, Merry Christmas, Angels!” ang caption ni Angel.

Matatandaang nitong mga nakaraang buwan ay hinahanap ng netizens si Angel dahil hindi ito nagpo-post sa kanyang social media account. Dito nagsimula ang spekulasyong hiwalay na sila ni Neil.

Pero lately lalo nga nitong bago mag-Pasko ay panay ang post ni Angel sa FB at kitang-kita rito na okay na okay sila ni Neil. May video pa siyang in-upload na magkasama silang nag-set-up ng kanilang Christmas tree.

Bukod dito, last November ay nagbigay na rin si Neil ng pahayag at pinasinungalingan ang tsismis na hiwalay na sila.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with