^

Pang Movies

Ate Vi kauna-unahang tatanggap ng Marichu Maceda Achievement Award  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mamayang gabi, sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival, igagawad nila kay Star for All Seasons, si Ate Vi (Vilma Santos), ang Marichu Perez Maceda Life Achievement Award, dahil sa kanyang mga naiambag sa industriya ng pelikula at bilang isang kinikilalang mahusay na public servant.

Naglingkod si Ate Vi sa loob ng 18 taon sa pamahalaang lokal ng Batangas, at anim na taon bilang

Kinatawan ng Lipa sa Kongreso, at sa buong panahong iyan ay nakita ang kanyang katapatan at malinis na record, na itinuturing ring malaking karangalan ng mga taga-showbusiness.

Wala siyang naging kaso ng anumang katiwalian sa panahon ng kanyang paglilingkod. At iyan ay isang bagay na natitiyak din nilang ikinararangal ni Manay Ichu noong siya ay nabubuhay pa.

Pero gaano kahalaga rin ang award na iyan na ipinangalan kay Marichu Vera Perez-Maceda?

Si Manay Ichu ay kabilang sa pamilyang Vera-Perez, isa sa pioneer sa industriya ng pelikulang Pilipino. Siya rin ang kauna-unahang director general ng Film Academy of the Philippines.

Hanggang sa huling mga araw ng kanyang buhay ay iniukol ni Manay Ichu sa industriya ng pelikula sa bansa, at nagsilbing bahagi ng execom ng MMFF.

Siya rin ay kinikilala bilang isa sa mga matitibay na haligi ng industriya ng pelikula, kaya nga’t bilang pagkilala rin sa kanya, ipinangalan sa kanya ang life time achievement award na ibibigay simula mamaya ng MMFF sa mga katangi-tanging personalidad sa industriya kagaya ng Ate Vi.

Hindi obligado ang MMFF na ipagkaloob iyan taun-taon, kung wala silang makikitang dapat bigyan ng ganyang award. At isipin ninyo, sa unang pagkakataon, ang napili nila ay si Ate Vi.

Industriya ‘di pa rin nakakabawi...

Ang tagal na namin sa showbusiness. Kilala na namin ang mga tao rito at kung ano ang kanilang ugali. Nagsimula kami sa coverage noong Manila Film Festival pa lang ang MMFF.

Pagdating ng gabi, nagkikita kita ang mga inspectors ng Lunsod ng Maynila doon sa lobby ng Ideal Theater, doon namin kinukuha ang gross results ng mga pelikula sa araw-araw. May dalawang asosasyon din ng mga sinehan noon. Ang isa pinangungunahan ni Leo Cruz. Ang isa naman kay Chito Cruz. Doon sa kanila makikita mo ang totoong kinita ng mga sinehan, ima-match mo na lang sa pelikulang palabas.

Ang mga producer, maingay iyan sa kita ng kanilang pelikula. Nag-aaway pa sila kung sino ang totoong top grosser. Kasi nakakalikha iyan ng bandwagon effect. Inilalabas nila agad ‘yun para mahikayat ang mas maraming tao na manood ng kanilang pelikula. At iyon namang mga pelikulang bagsak, nagmamakaawa sa mga tao na panoorin sila.

Ngayon may nagsasabing pinilahan sila pero walang figure o kung magkano.

Bago kasi ang MMFF, hinakot na ng dalawang magkasunod na malaking foreign film ang budget na pampanood ng sine. Iyon namang mga kasali sa festival, sabi nga ng isang kritiko, “nothing new”. O kaya naman “all new” na hindi kilala ng publiko.

Ang masasabi ko lang talaga, hanggang hindi natin ibinabalik ang dating kalidad ng mga pelikula natin bago ang slump, at hanggang naniniwala tayo na indie lang ang dapat gawin, hindi makakabawi ang industriya.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with