Mikee, inaming may pinagselosan kay Paul!  

Paul at Mikee

Inamin ni Mikee Quintos na minsan na siyang nagselos sa isang girl dahil sa boyfriend na si Paul Salas.

Sa isang lie detector test, tinanong si Mikee kung nagselos na ba ito sa isang co-actor ni Paul Salas?

Sagot ni Mikee ay “no,” at ayon sa truth verifier, hindi nagsasabi ng totoo si Mikee.

Mabilis nagpaliwanag ni Mikee: “Hindi siya co-actor, okay? Hindi siya actor!”

Pagpatuloy pa niya: “Selos, yes, sige. Na-bother, nainis. Pero, ang selos ko naman, normal naman siguro ‘yun sa lahat ng magkarelasyon.”

Sey pa ni Mikee na may usapan na sila ng kanyang boyfriend na si Paul tungkol sa selosan. “Pagdating sa amin ni Paul, ang usapan namin, ‘pag may nagseselos sa aming dalawa ang rule lang naming dalawa, huwag idadamay ‘yung pinagseselosan. Kung nagseselos, aayusin namin ‘yun sa aming dalawa. Hindi na parang magdamay ng ibang tao.”

Dagdag pa ni Mikee mas gusto nilang i-build ang tiwala nila sa isa’t isa. 923“Kung kayang i-reassure, kung kayang mag-build ng stronger relationship sa isa’t isa para ‘di na mag-feel ‘yung selos sa amin namin ‘yun aayusin.”

Heart, ‘di na nagpa-plano sa buhay!

Maraming ilu-look forward si Heart Evangelista sa 2023. “You know, It’s just to really work hard, keep going, and follow your heart.

“I usually have a plan with my life but now, all I know is, whatever is in front of me, you work hard for it and do it with a smile and the universe shall follow.”

Wala raw pahinga si Heart sa kanyang pagbiyahe dahil sa sunud-sunod na projects, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa Europe at US.

“I’ll be very busy this coming year, but I like being very productive so I’m very, very excited for all of my travels and all of the brands I’ll be working with next year,” sey ni Heart.

Sa subscribers daw niya sa YouTube channel, abangan ang release ng mga bagong content niya soon.

“I’ll be traveling a lot, I’ll be experiencing new things in life so, I’ll definitely be taking them with me throughout that all so I’m very, very excited.”

Nasa Paris ulit si Heart at dun na siya magpa-Pasko at Bagong Taon.

Leonardo Dicaprio, itinangging nakikipag-date ulit sa mas batang model

Tapos na ang pag-link ni Leonardo DiCaprio sa supermodel na si Gigi Hadid, dahil may bago na siyang dine-date.

Namataan si DiCaprio having dinner with 23-year old aspiring actress Victoria Lamas, the daughter of soap opera actor Lorenzo Lamas.

Nakunan sila ng photographers sa The Bird Streets Club at sa isang sasakyan lang sila sumakay noong umalis sila.

Suot ni Leo ay black cap, black hoodie, and jeans. Samantalang si Victoria ay naka-midriff with a crop top, black jacket, and flare jeans.

Ayon sa rep ng aktor, ‘di raw iyon serious date kundi dinner date lang.

Sey ng insider ng Page Six: “Both were seated (not next to each other) at a big group dinner. They were also joined by a number of other people in the car.“

May 23,000 followers on Instagram si Victoria Lamas at lumabas ito sa short films na The Last Thing the Earth Said, Two Niner, and A Virtuous Role.

Si Leo naman ay kilalang modelizee or “a man who dates only models” tulad nina Gisele Bundchen, Bar Refaeli, Erin Heatherton, Toni Garrn, Kelly Rohrbach, Nina Agdal, Camila Morrone, at Gigi Hadid. Na-date niya ang aktres na si Blake Lively.

Show comments