^

Pang Movies

Robin, naingayan sa mundo ni Mariel

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin, naingayan sa mundo ni Mariel
Robin Padilla at Mariel Rodriguez

Buong ningning na inamin ni Sen. Robin Padilla na selosa ang misis niyang si Mariel Rodriguez.

“Hindi ako nakakalusot, binabara na kaagad niya ako,” kwento ni Binoe sa panayam niya kay Korina Sanchez sa Korina Interviews show nito sa Net25.

Pero inamin din naman niyang gusto niya ang paraan ng pagseselos ni Mariel na hindi nagger.

“Halimbawa, dumating ako ng bahay, mauupo na ‘yun, magkukuwento na ‘yun. ‘Pag inumpisahan niya ng magandang kwento hanggang papunta na sa ‘o, ano naman ang ginawa mo?’ O sino naman ‘yung kasama mo?’ Iaano niya ‘yun. Alam mo na, mararamdaman mo na. Meron nang imbestigasyon.

“Hindi siya ‘yung kumpronta, ‘yung nagger, ay hindi, never na ganu’n. Kwento, uumpisahan ka sa kwento. Kaya biglang landing lang ‘yung, ‘ah, nakita ko ‘yung picture, ah.’ Paano ka ngayon magdadahilan du’n?” pagbabahagi ni Binoe.

When asked kung ano ang sikreto nila ni Mariel sa matatag na pagsasama, sagot ni Binoe, “ano siya, eh, kung baga, nirerespeto niya ‘yun. Kasi, ‘yung edad, eh. Ma’m, malayo edad namin, 15 years.”

Ayon pa sa aktor/pulitiko ay magkaiba sila ng trip ni Mariel at maingay raw ang mundo nito.

“Malayo ang trip namin. Magkaibang mundo kami niyan, eh. Iba ang mundo niya. Maingay ang mundo ni Mariel. Mai­ngay talaga, sobrang ingay.

“Ako ang mundo ko, maliit, tahimik. Ganu’n ang mundo ko. Sa bahay nga lang ako, hindi nga ako lumalabas. Siya, iba. Marami siyang kaibigan, maingay talaga,” kwento pa ni Sen. Robin.

Pero pinuri naman niya ang misis sa ginagawa nitong pag-a-adjust sa kanya.

“Ang maganda kay Mariel, nag-a-adjust siya. Hindi ako ang nag-a-adjust, siya ang nag-a-adjust,” pagmamalaki pa niya.

Natanong nga rin ni Korina kung malaki ba ang sweldo ng Senador, ayon kay Robin ay abonado pa raw siya sa laki ng kanyang gastos dahil sa rami ng humi­hingi ng tulong sa kanya.

“Lahat ng tao na humihingi sa ‘yo ng tulong, kailangan mong tulungan,” he said.

Jessy, oa sa pag-empake ng hospital bag

Handang-handa na si Jessy Mendiola sa kanyang panganganak sa first baby nila ni Luis Manzano. In fact, nakaempake na ang lahat ng kanyang gamit na dadalhin sa hospital.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi niya kung paano ang pag-eempake na ginawa niya at kung anu-ano ang laman ng kanyang hospital bag.

Aminado naman ang aktres na OA nga siya sa rami ng kanyang dadalhing gamit.

“We kept procrastinating but we realized kailangan na talagang gawin ito. Oo na, medyo OA na ako pagdating sa dami ng dala. Pero mas ok nang sobra kesa kulang. Pagbigyan niyo na ko, it’s my first time,” caption ni Jessy.

Advice nga niya sa parents-to-be ay maaga ring mag-empake para sure na handang-handa sila.

“Para sa mga parents-to-be gaya namin ni Howhow, I really recommend packing your hospital bags early... para handang-handa na talaga!”

Nasa kabuwanan na si Jessy ngayon at sobrang excited na nga silang mag-asawa sa pagdating ni baby Peanut na anytime now ay pwede nang lumabas.

Ayon kay Jessy ay plano niyang i-breastfeed si baby Peanut kaya sana raw ay marami siyang breast milk.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with