^

Pang Movies

Juancho, mabentang pari sa carolling

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Juancho, mabentang pari sa carolling
Juancho Triviño

Mabentang-mabenta sa netizens ang mga nakakatawang videos ni Juancho Triviño na pino-post nito sa Instagram na tungkol sa adventures ni Padre Salvi.

Kahit na kinamumuhian ang character na ito ni Juancho sa hit primetime teleserye ng GMA na Maria Clara At Ibarra, kinatutuwaan naman siya ng netizens at inaabangan ang mga susunod pang patawa ni Padre Salvi.

Sa panibagong video post, makikitang may mga batang nagka-carolling at pinapanood ito ni Padre Salvi. Sinabi ng kanyang sakristan mayor na si Renato (Kiel Rodriguez) na namamasko ang mga bata sa kanya kaya sila nagka-caroling sa labas.

Iniutos ni Padre Salvi na buksan ang pinto dahil nais daw niyang madinig ang magagandang tinig ng mga bata. Natawa ang maraming netizen sa pag-indak ni Padre Salvi sa kantang Ang Pasko ay Sumapit.

Pero nang banggitin na ng mga bata ang katagang “mamasko po!,” biglang isinara ni Padre Salvi ang pinto at umalis!

Caption ni Juancho sa video post: “Pasko na sa Casa Salvi. Ang bait talaga ng mga bata ng San Diego at talagang naghandog pa ng awit para sa kanilang mahal na kura.”

Elijah Alejo, ginawang meme ang P20 na Pamasko sa mga inaanak

Sa pagsalang ni Elijah Alejo sa fast money round ng Family Feud Philippines, kabilang sa mga tanong ay magkano ang ibibigay niya sa inaanak ngayong Pasko. Ang naging sagot ng aktres ay “P20” na kinaaliwan ng maraming netizens.

Nakalaban ng bida sa upcoming GMA teleserye na Underage at ng kanyang pamilya sa naturang episode ay ang kapwa niya Kapuso star na si Althea Ablan at ang pamilya nito.

Pero ang pamilya ni Elijah ang nagwagi sa elimination round at nanalo ng P100,000. Sila rin ang sumabak sa fast money round, para madagdagan ang kanilang premyo.

May mga netizen na ginawang meme ang naturang sagot ni Elijah para sa kanilang mga inaanak.

Ang host ng show na si Dingdong Dantes ay binati ang mga inaanak ni Elijah na hintayin nila ang bente pesos na ibibihay nito bilang aguinaldo sa Pasko. Ang top answer sa tanong ay “P100.”

Box-office comedian Eddie Murphy, tatanggap ng mataas na award sa Golden Globe

Ang box-office comedian na si Eddie Murphy ang tatanggap ng prestigious Cecil B. DeMille Award sa 80th Annual Golden Globe Awards na magaganap on Jan. 10 sa Beverly Hills Hotel in Los Angeles, California.

Ang naturang award “recognizes an individual for their outstanding contributions to the world of entertainment.”

Six-time nominee at nanalo na ng Golden Globe si Murphy as best supporting actor para sa 2006 musical film na Dreamgirls.

Box-office star si Murphy dahil sa mga pelikula niyang Beverly Hills Cop, Coming To America, The Golden Child, The Nutty Professor, 48 Hrs., Boomerang, Doctor Doolittle, Daddy Day Care, at Shrek.

Mga iba pang nakatanggap na ng naturang parangal ay sina Jane Fonda, George Clooney, Morgan Freeman, Oprah Winfrey, Robert De Niro, Audrey Hepburn, Harrison Ford, Jodie Foster, Sophia Loren, Steven Spielberg, Denzel Washington, Robin Williams, and Tom Hanks.

vuukle comment

JUANCHO TRIVIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with