Ikinasal na ang daughter ni Edu Manzano na si Addie Manzano kay Jared Glassman at sa New York yata ang kasalan dahil doon naka-based si Addie. Bukod sa mga ikinasal, may babae na kasama sina Addie and her husband and Edu na ang feeling ng netizens, mom ni Addie at ex ni Edu, si Rina Samson.
Hindi kasi binanggit ni Edu ang mga kasama nila sa photos, pero sa larawan na kasama ni Edu ang dalawang anak, kasama rin nila ang magandang babae. May nagtanong nga kay Edu kung mom ni Addie ang babae na kasama nila sa larawan.
Ibig bang sabihin, nasa bansa na siya nang magkaroon ng premiere night ang Mamasapano: Now It Can Be Told na kasama siya sa cast. Bakit may balitang hindi siya dumating sa premiere night? Hala! May isyu.
Inaabangan tuloy kung sasama ba si Edu sa ibang cast ng MMFF entry ng Borracho Film Production sa Parade of Stars na naka-schedule this Wednesday.
Ogie at Regine, nagpa-party sa mga tauhan
Pinasaya ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ang kanilang mga kasambahay at iba pang nagtatrabaho sa kanila at nakakasama nila sa trabaho dahil binigyan sila ng mga Alcasid ng Christmas Party. Sa pinost na photo ni Ogie, makikitang marami ang nasa party na pawang masasaya.
“Our Christmas party with our kasambahays, our drivers, make-up artists, boxing trainer, golf caddy, our studio tech, and their families!!! Ang saya!!! God bless us all!!!”
Ang gandang basahin ng comments ng netizens sa ginawa ng mga Alcasid. Sabi ng isa, “Nice to see celebs taking care of the people who make them look good and help them be the stars that they are.”
May nag-comment ng “Wow ang daming sinesueldohan is he that rich? Just asking. It looks like a company,” na niratrat ng netizens.
Ang alam naming celebrity na nagbibigay rin ng Christmas party sa kanilang staff sa bahay ay ang mag-asawang Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.
DongYan, hiniritang mag-live selling
May nagtanong kung bakit may P50 entrance fee sa garage sale nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kahapon. May nag-suggest naman na sana live selling na lang ang ginawa para lahat may chance mabili ang pre-loved items na kasama sa garage sale.
Ang paliwanag doon sa entrance fee, makakatulong ang amount na maiipon para sa beneficiary na pagbibigyan nina Dingdong at Marian. Ang mas malinaw na paliwanag, kung ayaw magbayad ng entrance fee, ‘wag pumunta.
Abot sa 4,000 ang items na kasama sa garage sale at kabilang nga ang toys, home items, at personal na gamit ng DongYan. Ang jacket na ginamit ni Dingdong sa Alyas Robinhood ay kasama sa garage sale. Sino kaya ang nakabili?
May naniniwala namang magkakaroon ng part two ang Dong and Yan’s Garage Sale, sa susunod na lang pupunta ang iba. ‘Yun ay kung may natira pa sa pre-loved items ng Dantes family sa garage sale nila kahapon.