Glaiza de Castro at Mike Tan, may bagong teleserye sa GMA

Glaiza at Mike

Bibida sina Glaiza de Castro at Mike Tan sa kaabang-abang na seryeng handog ng GMA Afternoon Prime, ang The Seed of Love.

Sa seryeng ito, panoorin si Glaiza bilang si Eileen, asawa ni Bobby na gagampanan naman ni Mike Tan.

Kuwento ito ng mag-asawang nakabuo ng pamilya sa pamamagitan ng in-vitro fertilization ngunit isang malaking plot twist ang malalaman nila.

Kasama rin sa seryeng ito sina Valerie Concepcion, Boy2 Quizon, Tina Paner, Bernadette Allyson, Ervic Vijandre, Yana Asistio, Ashley Rivera, at Allan Paule.

Abangan ang world premiere ng The Seed of Love soon on GMA Afternoon Prime.

Kimson Tan, sasabak sa isang international film!

Sunud-sunod ang blessings na dumarating sa promising young actor ng Sparkle na si Kimson Tan.

Maliban sa kanyang nakakaintrigang karakter sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters bilang Steven Yap, magiging parte rin si Kimson ng international movie na King of Hawkers na may layuning ipakilala ang Singaporean food at ang kanilang kultura sa buong mundo.

Sa susunod na taon ay dadayo si Kimson sa Singapore upang kunan ang kanyang mga eksena sa pelikula sa loob ng isang buwan. Magkakaroon din ng training si Kimson sa tulong ng Crazy Rich Asians chef at food stylist na si John See.

Hindi pa man nagsisimula rito, ramdam na ang full support ng fans ni Kimson.

Bongga siya ha.

Show comments