Paul, seryoso na kay Mikee!   

Paul at Mikee

Dahil may girlfriend na, lumalaban na rin ngayon ng mga sweet post si Paul Salas sa kanyang social media page.

Ang bongga ng birthday message niya sa GF na si Mikee Quintos at parang first time lang namin siyang nagbigay ng ganito ka-sweet na message sa isang girl.

Sa nasabing mensahe, tinawag niya pang “babe’ si Mikee.

“Happy birthday to my Partner, Bestfriend, Best opponent, Commander, Boss, Amo!”

“Babe deserve mong maging masaya at celebrate ang birthday mo dahil sa na achieve mo ngayon year, di lang dahil dyan, kundi dahil pa sa growth mo rin this year,” simula ng mensahe ni Paul.

Pinasalamatan niya ang girlfriend sa pagmamahal sa kanya at ipinahayag din niya kung gaano niya kamahal ang akttes.

“Salamat sa pagiging the best partner, sa pagmamahal, gabay, pag iintindi. Di ko alam kung ano ang gusto kong sabihin sa caption ko ngayon, dahil kapag punong puno ang puso ko ng saya at pag mamahal di ko talaga alam paano sabihin lahat ng nararamdaman ko para sayo, alam mo yan!” saad ni Paul.

Ang bongga rin ng sumunod na part kung saan ay sinabi niyang handa niyang ipaglaban si Mikee sa kahit anong sitwasyon at handa niyang harapin ang lahat ng pasubok na pwedeng dumating sa kanilang relasyon.

“Ang masasabi ko lang, nandito ako para sayo lagi, handang lumaban sa kahit anong challenges na maharap natin. Handang harapin lahat ng mga kailangan ko pang harapin para maging better person para sayo, Handang ipaglaban ka sa kahit anong situation,” aniya pa.

Ibinahagi rin niya ang pagkakabuking sa kanya ni Mikee habang gumagawa siya ng birthday greetings for her.

“Oh tapos sa videocall natin ngayon nahuli mo akong nag ta type at seryoso at sinabi mong “ano yan para sa birthday caption ko na ba yan” ayan na nga kitang kita mo kung gaano ako ka seryoso sa phone ko” hayy kilalang kilala mo talaga ako!

“I’m Blessed to have you my baby, salamat sa lahat. Mahal na mahal kita HAPPY BIRTHDAY MATCH,” ang pagtatapos ni Paul.

Heaven ibang putahe ang ginawa sa gabi...

Inamin ng direktor/writer ng Metro Manila Film Festival 2022 official entry na Nanahimik ang Gabi na si Direk Shugo Praico na muntik na talagang hindi tanggapin ni Heaven Peralejo ang pelikula because of the role and the love scenes with Ian Veneracion.

“She wanted to make sure that we were aligned, ‘yung vision, kung anon’g klaseng ‘pagpapa-sexy’ at maturity ang gagawin niya sa eksena kasi sabi nga niya, it would be unfair kung hindi niya magagampanan ang role niya sa script,” kwento ni Direk Shugo nang makatsikahan namin sa Christmas lunch with the entertainment press.

Pero nang ipinakita na raw nila ang kumpletong presentation kay Heaven at na-assure naman nila ito na magka-align sila ng vision ay tinanggap na rin ng aktres ang movie.

Sey naman ni direk Lino Cayetano na isa sa producers ng pelikula, “ang naging assurance rin ni Heaven, nun’g nakita niya na grabe ‘yung pagpaplano ni direk Shugo.”

Naka-drawing daw ang buong pelikula at ito ang ipinakita nila kay Heaven.

“’Yung buong pelikula ho, naka-storyboard. Para lang hindi ma-preempt, pero after the MMFF, siguro, ipapalabas namin, ipapakita namin.

“Kasi, napakaganda. Kaya pag pinanood mo, parang moving painting talaga,” pagmamalaki ni Direk Lino.

Bagong putahe rin ang tandem nina Heaven and Ian na isa sa dapat abangan talaga sa movie.

“Parang pag pinapanood mo, kita mo na si Heaven, dahan-dahang bumibigay. Kasi alam mong hindi siya umaarte. Kasi, part nun’g hindi siya established actor, parang napaka-fresh,” sey pa ni direk Lino.

Ang Nanahimik Ang Gabi ang first MMFF movie ng Rein Entertainment at matatandaan ngang sila ang first four films na nakapasok sa festival base sa story and cast pa lang.

Ayon kay direk Shugo, talagang sina Heaven, Ian, and Mon Confiado na raw talaga ang napili nilang cast sa simula pa lang at hindi pa nila alam kung makakapasok ito sa MMFF that time.

“’Yung pagpasok po sa MMFF was a bonus and parang a motivation for us and parang nagulat kami. But siyempre, gusto naming mapasok pero suntok sa buwan ho ‘yun,” sey ni direk Shugo.

“Silang 3 po talaga ‘yung sa tingin namin ay bagay na bagay sa role,” dagdag pa niya.

Ayon naman sa isa sa mga producers na si Carol Lopez, tiyak na magugulat ang mga manonood sa bandang ending ng pelikula dahil hindi mo raw talaga aakalain.

Showing na ngayong Dec. 25 ang Nanahimik ang Gabi sa mga sinehan.

Show comments