Parang nakabawas sa saya sana ng Pasko ang balita mo, Salve, na alarming ang kinita lately ng local movie na ipinalabas.
Kaloka nga na para namang walang lumabas para manood, at ngayon pa naman na malapit ba ang festival. Sana naman by that time gusto nang lumabas at manood ang moviegoers.
Katakot naman na para bang kinalimutan na ng tao ang sine, at TV na lang ang gusto nilang panooran.
Kasi naman pati sa cellphone puwede nang manood. Tapos ang mga palabas sa Netflix ang gaganda pa.
Kaya tuloy lahat parang gusto nang patayin ang local showbiz. Sino pa ang magkakaroon ng interest kung ganyan wala nang gagawa ng movies, at hindi rin naman madalas mag-shoot para sa serye.
Mga pagkain, nauusong panregalo
Happy ako sa mga regalo ni Mama Alice Eduardo. Mga food item na talagang very practical at nakakatuwa ang assorted candies talaga.
Kaloka dahil sure na type ng mga bata lalo na ‘yung nagka-caroling. Tapos ‘yung canned goods na talaga namang makakatipid ka sa gastos araw-araw dahil hindi ka na bibili ng ulam.
Hay naku, feel good talaga sabi ni Leo Espinosa ‘pag nasa circle of friends ka ni Mama Alice dahil spoiled ka sa regalo.