Direk Lino, pinaliwanag na walang multo sa movie nina Ian at Heaven

Lino

Nilinaw ni direk Lino Cayetano na ang prinodyus nilang festival movie na Nanahimik Ang Gabi ay isang suspense thriller at hindi horror film. “Wala kaming masyadong multu-multo. Mas suspense thriller. Parang ‘yung mga movie ni Jack Nicholson noon. Suspense thriller.

“Exciting. Mapapatalon ka sa upuan. Walang multo. Hindi supernatural,” pahayag ni direk Lino sa lunch date sa ilang press kasama ang writer-director at co-producer ng nasabing pelikula.

Eh sinasabing ang Deleter ni Nadine Lustre ang nag-iisang horror movie ngayong festival. “Actually, ‘yung Deleter, panonoorin ko ‘yon. We’re part of the Viva family somehow. Iba-iba ‘yung genre,” dagdag niya.

Sabi pa ng magaling ding director na isa sa mga producer ng Nanahimik..., “Cautionary tale. Para doon sa may sikreto, may masamang balak.

“Parang advocacy namin, pilahan ng tao. Panoorin sa sinehan. This is more of a thank you sa inyo dahil resilient ang movies. Maraming nawalan ng trabaho.

“Natututo kami sa inyo. We really need your help lalo na next year. Special ‘yung movie. Communal. Dapat may katabi ka.

“Ito ang unang prinodyus namin,” saaad pa niya.

Handa na ba sila sa consequences sa pagiging producer?

“Consequences like hindi kumita? Mas importante sa akin na kumita at pano­orin ng tao. Malakas ang loob ko. Ang sabi lang nila sa akin, gumawa tayo ng magandang pelikula na magbibigay katuwaan, ng aliw, kasiyahan na magbibigay ng panibagong yugto ng buhay.

“Our movie is entertaining pero higit doon, makabuluhan!,” rason ni direk Lino.

Ginastusan nila ang movie na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Mon Confiado at Heaven Peralejo na nagpasexy rin sa movie.

Show comments