Boy, sigurado na sa Kapuso!

Boy

Muling naglabas ng teaser ang GMA Network tungkol sa paglipat o pagbabalik sa kanila ng isa nilang dating talent. Sa second teaser na inilabas, obvious na si Boy Abunda ang tinutukoy dahil naka-highlight ang initial ng name at surname niya.

Sino ba kasi ang hindi mahuhulaan na si Boy ang tinutukoy kung ang nakalagay sa teaser ay “Andito na BA? Totoo na BA?” Kaya ang hinihintay na lang ay kung kailan pipirma ng kontrata si Boy o kung kailan siya bibisita sa GMA Network.

Solenn, walang peg sa maternity shoot

Ang ganda ng maternity shoot ni Solenn Heussaff, pinag-isipan ang concept at pinaghandaan plus, magaling na photographer si BJ Pascual. Involved din sa photo shoot sina  Lizz Uy, Robbie Pinera at Raymond Santiago, kaya alam na kung bakit maganda ito.

Bale ba, ang post ni Solenn, nag-decide siya to have a maternity shoot na walang naisip na peg, pero dahil creative ang team niya, lumabas pa rin na kakaiba.

BB, binitbit ni Robin sa Mutya

Nag-enjoy si BB Gandanghari sa pagbabalik niya ng Pilipinas at kita ang magandang ngiti nito habang kasama ang kanyang pamilya. ‘Yung kahit nakahiga sa kama si Mommy Eva, nakangiti ang kasama sa litrato kabilang ang ilang kapatid at pamangkin ni BB.

Nag-tour din sa Chinatown si BB at ang daming nakakakilala sa kanya, ang daming nagpa-picture at nagkagulo sa Chinatown. Hopefully, after her tour, nakakain na siya ng hinanap niyang dimsum.  Disappointed lang si BB dahil hindi nakakain sa President Grand Palace Restaurant dahil may event daw.

Isinama nga ni Sen. Robin Padilla si BB sa coronation night ng Mutya ng Pilipinas 2022, pero deleted na ang video na pinost ni BB sa kanyang Instagram. Marami pa naman ang nag-comment na nagustuhan nila ang gesture ni Robin na sa kanilang paglalakad, pinauna nito si BB.

Movie nina Jasmine at Beauty, ipapalabas sa sundance

Nasa Instagram ni Jasmine Curtis Smith ang poster ng movie na In My Mother’s Skin kung saan, kasama niya si Beauty Gonzalez. Maganda ang hatid na balita ni Jasmine tungkol sa pelikula.

“A dream come true. Sundance Film Festival 2023, we are coming for you. From watching old Sundance entries in my highschool bedroom to being casted in a film that will premiere at the film festival!!! It’s been 12 years since I began professionally acting and this definitely takes the freaking highlight.”

 Ipapalabas kasi sa Sundance Film Festival ang nasabing pelikula na sabi ni Jasmine ay the only foreign language film in the section. Co-production ito ng Philippines, Singapore at Taiwan, kaya pala may mga Chinese names sa credits.

Show comments