Barbie, malalim magalit  

Barbie

Sa ika-5th anniversary bilang magkarelasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto. Inalam kung sino sa kanila ang mas madalas magselos at nagkaroon na ba sila ng matinding away?

Sa podcast na Updated with Nelson Canlas, sinagot ng JakBie couple ang mga katanungan ng kanilang fans.

Sey ni Barbie na medyo selosa raw siya: “Medyo, oo. Pero parang hindi iyon, so far hindi pa naman namin nagiging issue ‘yon nang malala. Subtle ako kung magalit.”

Sagot naman ni Jak: “Hindi pa galit na galit, pero galit na malalim. Hindi nagra-rant, hindi sumisigaw pero may laman lahat ng sinasabi.”

Dagdag ni Barbie na mas kumportable siyang sabihin ang galit niya sa pamamagitan ng text: “Hindi ako ‘yung confrontational type of girlfriend. ‘Yung style ko ng pagpapagalit o explain sa kaniya, through text para mas malinaw, mas detalyado, mas kalmado. Hindi ko kayang makipag-confront sa kaniya na kaharap.”
Si Jak naman daw ay matagal nang hindi nakaramdam ng selos sa relasyon nila ni Barbie.
“Dati, medyo. Alam ko sa sarili ko naging seloso ako, lalo kapag hindi ako secured doon sa partner ko. Pero simula noong naging girlfriend ko si Barbs, parang hindi ko na matandaan kung kelan ako huling nagselos.”

Jeric, ‘di pa maka-move on sa award

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Jeric Gonzales nang makatanggap niya ang best actor award trophy mula sa Saskatchewan International Film Festival in Canada para sa pelikula niyang Broken Blooms.

Ito raw ang ikalimang international best actor award niya para sa pelikula na dinirek ni Louie Ignacio. Hindi lang si Jeric ang nanalo kundi pati ang co-stars niyang sina Therese Malvar (best actress), Jaclyn Jose (best supporting actress), Boobay (best supporting actor). Wagi rin si Direk Louie (best director) at Best Film ang Broken Blooms.

Masaya si Jeric sa nangyayari sa kanyang career sa taong ito. Bukod sa pagtanggap ng acting awards, top-rating ang teleserye na Start-Up PH at may sisimulan siyang bago na Urduja’s Jewels.

Post ni Jeric sa Instagram: “5 and counting! First of all, thank you Lord, maraming salamat po sa lahat ng ito. Gusto ko rin pasalamatan ang lahat ng bumubuo sa pelikula namin na “BROKEN BLOOMS” simula sa aming direktor na si direk @direklouieignacio maraming salamat sa opportunity na binigay n’yo sa akin and sa guidance and motivation para magawa ang napaka ganda at makabuluhan na pelikula na ito. Without you direk hindi ko po magagawa lahat ito. Gusto ko din pasalamatan ang mga napakagaling at mga award-winning kong co-actors ko na sina Ms. Jaclyn Jose. It’s an honor po na makasama ko ang isang best actress salamat po for guiding me in this film.”

Ipapalabas sa mga sinehan ang Broken Blooms sa Dec. 14.

Fil-Am singer H.E.R., unang black na Belle sa Beauty and the Beast

Pinasilip na ang look ng Filipino-American singer na si H.E.R. bilang si Belle sa Beauty and the Beast para sa 30th Anniversary Special na eere sa Dec. 15 on ABC at pati na sa streaming platform na Disney+ on Dec. 16.
Sa teaser na pinost ng ABC sa social media, suot ni H.E.R. ang yellow suit at naka-ponytail ito at may hawak na gitara.
“I can’t believe I get to be a part of the Beauty and the Beast legacy. The world will see a Black and Filipino Belle! I have always wanted to be a Disney princess, and I get to work with two wonderful directors Hamish Hamilton and my favorite, Jon M. Chu. It is very surreal and I couldn’t be more grateful,” sey ni H.E.R. sa interview nito with Variety.
Perfect daw ang pagkaka-cast ni H.E.R. dahil bukod sa isa itong Oscar and Grammy Award-winning performer, malakas din ang stage presence nito.

“With her obvious extraordinary talent and stage presence, H.E.R. is the perfect embodiment of our Belle and we are thrilled for audiences to see her in this celebration of creativity. We were both influenced as storytellers by the original animated movie, so it’s very exciting to collaborate together to honor the artistry of that timeless classic while also inspiring a whole new generation of creators,” sey ni Chu.

Show comments