Inamin ni Rica Peralejo na pinagsisihan niya noong magkaroon siya ng sexy image dahil sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
Pinasok ni Rica ang paghubad sa pelikula noong 2001 sa pelikulang Balahibong Pusa sa ilalim ng Viva Films. Nasundan pa ito ng Sa Huling Paghihintay, Dos Ekis, Tatarin at Hibla. Nakipagsabayan si Rica noon sa mga hubadera noong sina Joyce Jimenez, Patricia Javier, Raven Villanueva, Katya Santos at Maui Taylor.
Sa podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, kinuwento ni Rica na hindi naging madali sa ang buhay niya dahil sa edad na 12 ay kinailangan na niyang magtrabaho. Nalugi at nawala raw kasi negosyong fishery ng kanyang ama dahil sa pagsabog noon ng Mount Pinatubo. “It had that big effect on me. First of all that I had to start early in life, like no one should be carrying that much of a load at 12 years old. And you don’t know that when you’re 12. You’re just like doing stuff. That’s one.
“Second is when I turned into a sexy star. From wholesome image, gumawa ako ng movies or I had to bear some flesh and all that. That takes away from the dignity of a woman.
“Back then of course ang iniisip ko lang, ‘Nagtatrabaho lang po ako.’ Totoo pa rin naman ‘yon na nagtatrabaho lang din naman talaga ako. But this is our body. This is the age of knowing na our bodies, it’s very important to our wholeness. Hindi siya puwedeng iniisip mo lang or emotionally stable ka lang. Dapat integrated, pati ‘yung physical. So siyempre may effect ‘yun sa akin.”
Para kay Rica, hindi raw tama ang kanyang nararamdaman noong mga panahong gumawa siya ng sexy movies kung saan nag-topless siya at nakipaglampungan siya sa mga eksena.
“Through the years, the way that I would address this is like, ‘Let’s keep working, let’s keep working. Let’s just do whatever we need to do to survive.’ Pero deep down inside namamatay na ako, and I would cover it up with relationships, a whole lot of drinking, partying. It was a very difficult kind of life. Hindi naman ako normal na bata na nag-eeskuwela lang, tapos sinasabi ng magulang na ganito. Ibang iba ‘yung buhay ko.”
Iniwan din ni Rica ang pagiging sexy star at tinapos niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Kinasal siya noong 2010 kay Joseph Bonifacio at meron silang dalawang anak ngayon.
Heart, mas gustong maglaba sa Paris
Mukhang may plano na si Heart Evangelista na mag-migrate sa bansang France dahil bukod sa nandoon na ang kanyang trabaho, nag-iisip na rin daw itong mag-invest ng properties doon. Nauna na nga raw ang pagbili niya ng apartment sa Paris.
Priority na nga raw ni Heart ang kanyang trabaho sa Paris dahil sa sunud-sunod na fashion shows na kanyang dinadaluhan. Parati raw siyang inaabangan ng photographers at designers kaya tinuturing na niyang second home ang France.
“I just really like to invest on properties. I’m always there so, imbes na mag-hotel, at least meron akong sariling lugar,” sey ni Heart na umuwi ng Pilipinas kamakailan para sa ilang commitments pero babalik daw ito ng Paris dahil puno ang kanyang schedule doon na dapat niyang puntahan.
Sa Paris nga raw ay maraming nadiskubre si Heart na may mga kaya siyang gawin na hindi niya nagawa rito sa Pilipinas tulad ng pagpunta sa grocery, magluto at maglaba. “Kahit nahihirapan kang maglaba, maganda naman ‘yung background, nakagagaan ng feeling,” tawa pa ni Heart.
Makikita namang masaya si Heart sa buhay niya ngayon despite the fact na tahimik pa rin siya at ang mister niyang si Chiz Escudero sa tunay na estado ng pagsasama nila.
May rason pa rin daw si Heart na maging masaya and to celebrate ang pagdating ng bagong pag-asa sa 2023.
Miss U, maraming pagbabago
Maraming pagbabago ang mangyayari sa 71st edition ng Miss Universe. Una na rito ay sa streaming platform na mapapanood ang naturang international pageant at hindi na sa isang broadcast network.
Ang Roku Channel ang nagkakuha ng one-year deal with Miss Universe Organization at mag-stream ito ng live sa Jan. 14, 2023 from New Orleans, Louisiana.
Pangalawang pagbabago ay tsugi na si Steve Harvey bilang host ng Miss Universe. Tapos na raw kasi ang five-year contract nito with Fox network.
Ayon sa Miss Universe Organization CEO na si Amy Emmerich, babae ang magiging bagong host ng Miss Universe at i-announce nila kung sino ito very soon: “My goal was really to make sure we led with a female lens this next go-around. We should hopefully have that to talk about soon… It was a rare opportunity to be able to kind of restart in a whole new place.”
Natupad ang mga pagbabago pagkatapos na magkaroon ng bagong CEO ang Miss Universe Organization na si Anne Jukapong Jakrajutatip ng JKN Global Group PCL sa Thailand. Nabili nito ang MUO noong October mula sa previous owner na img.
The 71st Miss Universe event will be held at New Orleans’ Ernest N. Morial Convention Center, at higit na 90 candidates ang maglalaban sa korona na ipapasa ni 2021 Miss Universe Harnaaz Sandhu of India.
Ang kakatawan sa Pilipinas ay si Celeste Cortesi na handang-handa na muling maiuwi ang korona sa Pilipinas.