^

Pang Movies

Jake Zyrus , gusto nang tanggalin ang natitirang anino ni Charice Pempengco

Ruel Mendoza - Pang-masa
Jake Zyrus , gusto nang tanggalin ang natitirang anino ni Charice Pempengco
Jake

MANILA, Philippines — Nasa US pala ngayon si Jake Zyrus at abala ito sa pag-revive ng kanyang music career.

Ayon sa former Charice Pempengco, marami na raw siyang bagong music na ginagawa sa tulong ng kanyang team na inaasikaso rin ang kanyang online content. Kaka-release lang ng bago niyang single titled 4 Life.

“I’m taking control and with the help of my team, obviously with both US and Philippines, I’m still going to do projects in the Philippines but I think now I’m more focused here in the US and I’m more focused on doing online content, releasing music, and definitely more songs. ‘4 Life’ is just the beginning. We’re also going to release a remixed version and acoustic version. I’m happy where I’m at. I’m really happy with the pace. I’m really happy with what’s been happening.”

Mas gusto raw niyang mas makilala ng maraming tao ang music ni Jake Zyrus. Gusto na raw niyang mag-move on na ang marami sa kanyang dating pagiging Charice Pempengco.

“I try to move on from the past because I can’t change that in terms of how people see me and call and all that. One thing for sure, no one is coming back. But I think everyday when I wake up, I try to remind myself I can’t change my past. I’m living in the present and all I can change is my perspective. Sometimes, I still fail to do that,” diin pa niya.

Makakasama si Jake na mag-perform sa Palm Springs Gay Pride celebration. Magkaroon din siya ng concert sa San Diego on December 10th.

“I’m just very excited to be on stage again. It won’t be easy for me because it’s been a long time and I think I kind of developed a little bit of anxiety being on stage so I’m still working on that but with the right team around, it helped a lot.”

Wilma, ‘di pa limot kung paano na-discover habang nagwawalis!

Masayang-masaya ang model-turned-comedian na si Wilma Doesn’t sa success nang kinabibilangan niyang GMA Afternoon Prime teleserye na Abot Kamay Na Pangarap matapos umabot na sa 1 billion views ang mga napapanood na episodes nila sa YouTube.

Kelan lang ay binalikan ni Wilma ang kanyang nakaraan, kung paano siya nadiskubre bilang isang model noong late ‘90s sa Cavite.

“Na-discover ako noong nagwawalis lang ako sa labas ng bahay namin ng fashion director na si Robby Carmona. Naligaw lang siya, tapos ako ‘yung napagtanungan niya dahil nga nasa labas ako ng bahay namin. Kasi naman itong nanay ko, echosera, ang init-init pinagagalitan ako, pinarusahan ako, ‘Magwalis ka sa labas!’ Ako naman, sumunod,” kuwento ni Wilma.

Pagkatapos niyang bigyang ng directions si Carmona sa pupuntahan nito, pagkaraan ng two hours ay bumalik daw ito at hinanap si Wilma, sabay alok kung gusto ba nitong maging isang modelo.

“Doon ko napatunayan na ‘pag para sa iyo ‘yon mangyayari ‘yon para sa iyo,” sey ni Wilma na nagretiro na sa pagiging model at ngayon ay may sariling restaurant business kasama ang husband na si Gerick Parin.

Jin ng BTS, bawal pasyalan sa bootcamp ng fans

 Pinakiusapan ng management company ng K-pop supergroup na BTS ang mga fans na huwag na silang pumunta sa pag-enlist ng BTS member na si Jin para sa mandatory military service nito next week.

“Jin will fulfill his required time with the military by enlisting in the army. Please note that we will not be holding any kind of official event on the day of his recruitment,” ayon sa statement ng Big Hit Music na pinost sa fan community app WeVerse.

Papasok na sa bootcamp sa Yeoncheon, Gyeonggi province on December 13 si Jin bilang part ng pag-enlist nito sa South Korean military training.

Dagdag pa ng Big Hit: “The entrance ceremony is a time to be observed by military personnel and their families only. In order to prevent any issues that might occur from crowding, we ask fans to please refrain from visiting the site.”

Si Jin ang una sa seven-member group na BTS na papasok sa mandatory militray service. Nakasaad sa batas na “all able-bodied South Korean men under the age of 30 must perform about two years of military service, mainly because the country remains technically at war with nuclear-armed North Korea.”                                                                                                              

CHARICE PEMPENGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with