^

Pang Movies

Nora Aunor, tameme sa talak ng anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Nora Aunor, tameme sa talak ng anak
Nora

Wala pang sagot si Nora Aunor o baka hindi na sagutin ang post ng anak na si Matet de Leon sa Instagram na nagtatanong kung bakit kinumpetensya ng mom niya ang food business niyang bottled Bagnet Bagoong, Gourmet Tuyo, Sisig Bagoong, at Gourmet Tinapa na nasa ilalim ng pangalang Casita Estrada.

Naglabas namn si Guy ng Ate Guy’s Gourmet Tinapa at Gourmet Tuyo, direktang kakumpentensya ng produktong ibenebenta ni Matet.

Hindi napigilan ni Matet naglabas ng kanyang naramdaman nang malamang kinalaban ni Guy ang kanyang food business. Nag-post sa Instagram si Matet ng kanyang saloobin, sayang at naka-off ang comment box, walang makapag-comment sa kanyang post.

Direk Paul, pahinga na sa kulay itim?!

Nakakapanibago, pero ang gandang basahin ng comments sa post ni Director Paul Soriano na kabilang sila sa mga dumalo sa Christmas tree lighting sa Malaca?ang Palace. Kaya nasabi naming nakakapanibago dahil walang basher na nag-comment sa post ni Direk Paul.

Pinuri ang pamilya nila ni Toni Gonzaga at anak nilang si Seve at tinawag pa silang “perfect family” at pinusuan ng maraming netizens.

Beautiful and blessed din daw ang Soriano family at binati na rin sila ng Merry Christmas.

Pinansin din na naka-white Barong si Direk Paul, hindi black Barong ang suot dahil black ang favorite color nito. Wala rin daw itong suot na cap na nakakapanibago rin.

Barbie at Jak, minamadali na

Couple na talaga ang turingan nina Barbie Forteza at Jak Roberto dahil sa birthday party ni Jak na birthday noong  December 2, si Barbie ang katulong niya sa pag-entertain sa mga bisita ni Jak. Sina Barbie at sister ni Jak na si Sanya Lopez ang may hawak ng birthday cake ni Jak.

 Nagpasalamat si Jak sa mga dumating at naki-birthday sa kanya at dahil 29 years old na siya, ang tanong ng fans nila ni Barbie ay kung kailan ang kanilang kasal? Pero, nagpapagawa pa lang ng bahay nila ni Barbie si Jak, ‘wag munang madaliin.

 Si Barbie rin, nagpapagawa muna ng bahay for her parents, hayaan muna natin silang matupad ang pangarap na magkabahay.

Saka, busy pa sa kanilang career sina Jak at Barbie, may Maria Clara at Ibarra pa si Barbie na dahil sa husay sa acting na ipinakita, siguradong masusundn agad ng panibagong project.                      

NORA AUNOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with