Mom, nagsimula na agad sa Ilocos!   

Marco

Nagsimula na palang mag-grind ang next movie ng Viva Films, ang Martyr or Murderer na prequel ni Director Darryl Yap sa first blockbuster movie niyang Maid in Malacañang. Nagkaroon muna sila ng photo shoot ng cast ng movie, maliban sa mga gaganap na young Imelda Marcos at young Corazon Aquino na pinipili pa nila.

May mga lumabas nang photos ni young Ferdinand Marcos, Marco Gumabao, at young Ninoy Aquino, Jerome Ponce. Si former Manila Mayor Isko Moreno ang gaganap na Senator Ninoy Aquino.

Retained naman ang bumuo ng cast ng MiM na sina Cesar Montano as President Ferdinand E. Marcos and Ruffa Gutierrez as Madame Imelda R. Marcos. Si Giselle Sanchez pa rin si President Cory C. Aquino.

On location na ang Martyr or Murderer sa Ilocos Norte ngayon.

Iza, nanghingi ng gabay sa nanay

Baby girl pala ang magiging first child ng mag-asawang Ben Wintle and Kapamilya actress Iza Calzado. Nag-post si Iza sa Instagram in memory of her mother, si Mary Ann Ussher na kasama niya sa picture :“As I prepare to become a mother, I ask for your continued guidance and support. This won’t be an easy ride but I know it will be an incredibly fulfilling one. Pretty soon, I will have my own child, a little Mary Ann, a little Iza. Your dreams and mine coming together for this beautiful blessing. I promise to take lots of photos with my baby so she gets to keep those memories with her when the time comes for me to be with you again.”

Jillian, kilala na ang tunay na ama!

Excited na ang netizens na sumusubaybay sa top-rating GMA Afternoon Prime drama series na Abot-Kamay na Pangarap nina Carmina Villarroel at Jillian Ward with Richard Yap and Dominic Ochoa.

Nalaman na kasi ni Dra. Analyn Santos (Jillian) na si Dr. RJ Tayag (Richard) ang tunay niyang ama, kaya ang mga netizen expected na nilang magi­ging kaawa-awa na naman ang doctora sa kanyang stepsister na si Zoey (Kazel Kinouchi). Hihintayin daw nila kung paano ipaglalaban ni Analyn ang sarili laban kay Zoey.  

Show comments