^

Pang Movies

Andrea, Max at Rabiya, hanggang abroad ang career  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Andrea, Max at Rabiya, hanggang abroad ang career           
Andrea

Bongga ang mga career nina Andrea Torres, Max Collins, at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo dahil may kanya-kanya silang international projects ngayon.

Napapanood sina Andrea at Rabiya sa movie series ng Amazon Prime na One Good Day kunsaan kasama nila si Ian Veneracion. Nagsimula na itong ma-stream noong Nov. 17. Mula ito sa direksyon ni Lester Ong.

Bukod sa One Good Day, malapit na ring mapanood si Andrea sa natapos niyang international film na Pasional kung saan kapareha niya ang Argentinian actor na si Marcelo QMelingo.

Ang Pasional ay co-production ng Malevo Films at GMA Network, na kinunan ang halos kabuuan ng pelikula sa Argentina. Gaganap dito si Andrea bilang Mahalia, isang tango dancer at jury member para sa International Tango Dance Festival, habang si Marcelo ay gaganap bilang Norberto, isang biologist.

Si Max naman ay kasama sa second season ng Filipino-American series na Almost Paradise na kinunan dito sa Pilipinas. Makakasama rito ni Max ang American actor na si Christian Kane na nakilala sa mga US series na Dawson’s Creek, Las Vegas, Leverage, The Librarians, Supernatural at S.W.A.T.

Ysabel, tutok sa poultry farm

Habang naghihintay ng bagong teleserye, inaasikaso naman ni Ysabel Ortega ang kanilang poultry farm sa La Union. Malaking tulong nga raw ang negosyo nilang ito para sa pangangailangan ng maraming tao.

“Hindi kasi siya open to the public. Dahil poultry farm ‘yung meron kami, para siyang sanitation na inuuna dapat ang hygiene. Hindi nagpapapasok ng mga tao, very technical talaga siya,” sey ni Ysabel sa kanilang poultry farm na nagsimula noong kasagsagan ng pandemya noong 2020.

Sa kanilang poultry farm daw nagsimulang matuto si Ysabel tungkol sa kanilang negosyo.

“Sobrang laking bagay din na nandoon kami sa La Union noong pandemic kasi talagang nabigyan din namin ng time, lalo na ako kasi, since doon ako naka-based noong pandemic, talagang natutukan ko, napag-aralan ko ‘yung business namin. From the start, nandoon na talaga ako to help my family.”

Mahalaga raw ang maiaambag ng kanilang farm sa pagkain sa bansa, pati na rin sa pangangalaga ng kalikasan.

“Actually dream na rin talaga namin na mag-start ng agricultural-based business. Kasi siyempre kailangan natin ‘yun, pagkain ‘yun eh, so hindi pwedeng maubusan ng manok ang bansa. So we thought of that kasi maganda siyang business and at the same time it’s good for the environment din, kasi very climate controlled ‘yung poultry farm namin. So maganda siya for our kalikasan,” sey pa ni Ysabel.

ANDREA TORRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with