Jillian, first time sa beauty contest
Bet ng netizens si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) na siyang manalong Miss Apex Medical Center sa GMA Afternoon Prime drama series na Abot-Kamay na Pangarap na nagtatampok din kina Carmina Villarroel, Richard Yap at Dominic Ochoa. Kaya happy and thankful naman si Kapuso Teen Queen na si Jillian, sa patuloy na pagsubaybay ng netizens sa kanilang serye.
Thankful din si Jillian, dahil kahit ang said series ang pinakamahirap na niyang nagawa sa kanyang career, ay marami naman siyang natutunan. “Mahirap pong mag-memorize ng mga medical terms pero, inaralan ko pong lahat iyon,” sabi ni Jillian. “Kaya marami po talaga akong natutunan, na nagagamit ko rin sa everyday life ko. At ngayon, first time ko ring makapag-join ng beauty contest sa story, mahirap din po pala iyon,” natatawang dagdag ni Jillian.
Napapanood ang Abot-Kamay na Pangarap Mondays to Saturdays, 2:30 p.m. sa GMA 7.
Ken, handa na sa next chapter
Malaking question mark sa fans ni Kapuso actor Ken Chan ang Instagram post niyang “more than ready for the next chapter in my life.” Nagtatanong ang fans niya kung mag-aasawa na raw siya, ang iba naman, are wishing him success on his next journey, at susuportahan daw nila ang actor, kung anuman iyon.
Sa ngayon kasi, ang project na sisimulan ni Ken ay ang upcoming series na Saan Nagtatago ang Pag-ibig na isang collaboration ng GMA Network with Viva Entertainment, na pagtatambalan nila ni Yassi Pressman, with Marco Gumabao.
Every Sunday, napapanood si Ken as one of the hosts sa All-Out Sundays ng GMA. Personal niyang mina-manage ang kanyang iFuel gasoline station and his Christmas-themed restaurant na Café Claus, habang naghihintay ng taping ng bagong project.
Kamay ni Hesus..., naka-20 taon na
Blessed ang ilang press people na tumugon sa imbitasyon ni Rev. Fr. Joey Faller, ang Founder at Spiritual Director ng Kamay ni Hesus Shrine and Healing Center, Lucban, Quezon, na saksihan ang Solemn Dedication of the Healing Church of the Risen Christ, on the occasion of the Presentation of the Blessed Virgin Mary and the 20th Founding Anniversary of Kamay ni Hesus Healing Church.
His Excellency Most Rev. Mel Rey Uy, D.D., led the Eucharistic Celebration, with Bishop Emeritus Most Rev. Emilio Marquez, D.D. and the Bishop of Gumaca Most Rev. Victor Ocampo, D.D., last Monday, Nov. 21, 2022 at 9:00 a.m.
Kaya maaga pa ay bumiyahe na ang writers na sina Jun Nardo, Lito Manago, Ambet Nabus, Glen Regondola and Beth Gelena, para makaabot sila sa Eucharistic Celebration.
Labis ang pasasalamat ni Fr. Joey sa kanilang pagdalo, kasama ang napakaraming devotees na nagmula sa iba’t ibang lugar. Maraming-maraming salamat po, Fr. Joey, sa muli ninyong pag-iimbita.
- Latest