^

Pang Movies

Farm at Spain property pinag-uusapan Bea, parang nanalo sa Lotto!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Farm at Spain property pinag-uusapan Bea, parang nanalo sa Lotto!           
Bea

Ipinagmamalaki ni Bea Alonzo ang kanyang nabiling apartment unit sa Madrid, Spain na diumano ay nagkakahalaga ng kalahating milyong Euro humigit kumulang sa 30 milyong piso iyan ngayon sa palitan ng salapi sa Pilipinas.

Hindi lang apartment iyon, dahil sa pagkakabili niya ng nasabing property, nakakuha rin siya noong tinatawag na “golden visa” na ibig sabihin maaari na siyang makapanirahan habang buhay sa Spain, na karaniwang ibinibigay dahil sa malaking investment niya sa bansa.

Lahat ng nakarinig, dalawa ang iniisip diyan. Una sinasabi nila na magandang investment iyon dahil kung wala naman siya sa Spain, maaari niya iyong paupahan at kikita siya. At least kung ganoon hindi na niya problema ang pambayad sa taxes noon, may umuupa eh. Ang isang posibilidad, investment iyan para sa retirement. Alam naman ninyo sa Pilipinas, o kahit saan naman, walang kasiguruhan ang galaw sa showbusiness. Maaaring sikat ka ngayon, pero pagkalipas ng ilang panahon ay wala na.

Kung sa bagay, nakapagpundar na naman siya rito sa Pilipinas. Hindi ba ipinagmamalaki rin nga niya ang kanyang farm sa Zambales? Pero kadalasan ang mga artista basta wala na ang dating popularidad nila, mas gusto na nilang manirahan sa abroad kung saan hindi sila naging celebrity o public property. Kasi dito sa atin, kahit na hindi ka na artista, napapakialaman pa rin ang buhay mo dahil dati kang artista.

Pero nakakagulat ano, hindi namin inisip na si Bea pala ay kumita na ng ganoon kalaking pera simula nang siya ay mag-artista. Ibig sabihin, napakalaking tax pala ang binabayaran ni Bea noong mga nakaraang panahon, ang dami niyang pera eh.

Hindi naman siguro masasabing napanalunan niya iyon sa lotto.

Gustong ipa-decriminalize ang drug users...

Robin, sumalungat kina Digong at Sen. Bato?!

Aywan kung ano nga ba ang kahihinatnan ng panukala ni Robin Padilla sa senado na i-decriminalize ang “drug user” dahil iyan naman daw mga addict ay hindi criminal kundi biktima lamang sila. Kung mang­yayari iyan, sa buong mundo, tayo lang ang may ganyang batas.

Kasi kahit na saang bahagi ng mundo, iyon lamang mahulihan ka ng mga bawal na gamot, krimen na iyon. Ang ta­nging pinapayagan sa ibang bansa ay iyong medical marijuana pero napakahigpit pa rin ng pagpapatupad ng batas.

Ano naman kaya ang masasabi riyan ng kaibigan niyang si Senador Bato dela Rosa na siyang nagpatupad ng Tokhang?

Ano rin ang masasabi sa kanya ng kinikilala niyang idol na kung tawagin niya ay “Tatay Digong” niya?

Susubukan lang daw naman. Kung sa loob ng isang taon ay makitang walang kuwenta ang batas, maaaring ibalik sa dati.

Kaso hindi ganoon ang paggawa ng batas.

Male star model, bumalik sa bading

Wala siyang public statement pero sa mga kaibigan ay umaamin na daw ang isang male star model na may panahong pumatol siya sa isang gay foreigner, at nagkaroon sila ng mahaba ring relasyon “dahil noon wala na akong trabaho talaga.”

Bumagsak kasi ang kanyang career, na nasundan pa ng dalawang taong lockdown dahil sa pandemic.

Noon naman daw magbalik na unti-unti ang maaari niyang pagkakitaan, hiniwalayan na niya ang gay foreigner at naintindihan naman daw siya noon. Maayos ang kanilang paghihiwalay.

Pero ano itong balita na sumabit naman daw siya sa isang gay rin dito na ang negosyo ay garments?

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with