Ian at Heaven, mainit ang ‘ lampungan’!

Heaven at Ian

Nagbabaga ang official movie trailer ng Nanahimik ang Gabi ng Rein Entertainment na tampok sina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado na isa sa eight official entries sa Metro Manila Film Festival.

Kung ang views ng trailer ang pagbabasehan, tiyak na box office hit ang pelikula.

Ang lakas ng dating.

Ang Nanahimik Ang Gabi ay tungkol sa magkarelasyong patagong nagkikita sa isang liblib na mansyon.

Ang isang gabi na dapat ay puno ng mainit na pagmamahalan ay mabilis na nabalot sa karahasan at katatakutan nang pasukin sila.

Ang suspense-thriller na ito ay mula sa panulat at direksyon ni Shugo Praico.

Siya rin ang direktor ng socio-political series na Bagman at LGBTQ+ series na Betcin na parehong kinilala sa Asian Academy Creative Awards noong 2020 at ngayong taon.

Ito ang unang pagkakataon na kabilang ang Rein Entertainment sa hanay ng mga pelikulang kabilang sa MMFF.

Beteranang aktres na si Flora Gasser, pumanaw na!

Pumanaw na ang beteranang aktres na si Flora Gasser.

Sa mga maedad na, kilalang-kilala ang aktres dahil sa mga tumatak niyang character sa mga pelikula at TV series – minsan kontrabida at madalas supporting role.

Kumalat lang sa social media ang pagpanaw niya sa pamamagitan ng post ng apo niyang si Valerie Ocampo : “Our Lola, Flora Gasser, passed away yesterday and is now with the Lord and with our Lolo Harry.”

Ang mister niyang si Harry ay kilalang news personality noon at namayapa naman noong 2014 pa.

Ruffa, Mariel at Ciara, may bagong misyon

Mukhang magki-click ang kumbinasyon nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez and Ciara Sotto.

Sa media conference kahapon para sa M.O.Ms (Mhies on a Mission) na kauna-unahang AllTV-produced, ang saya nila.

Entertaining and fresh ang kanilang grupo dahil first time silang nagsama-sama.

Sina Mariel, Ruffa, at Ciara ay masasabing mga moderm mom na gagawa ng iba’t ibang misyon sa bawat episode sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kuwentong nagbibigay-kaalaman, masaya, at nakakaengganyo na hindi lang makaka-relate sa kapwa nila ‘Mhies’ kundi sa buong pamilya.

 “It feels good to be back on television after 6 six years. We have prepared exciting episodes for our viewers, and we hope that they’ll have fun with us every morning. I’m very thrilled about this project and grateful that my new home is AllTV,”  chika ni Mariel.

Nabanggit din ni Mariel na suportado siya ng mister na si Sen. Robin Padilla sa pagbabalik niya sa TV.

Pero aniya ay priority pa rin niya ang kanyang pamilya. 

M.O.Ms’ first episode gives viewers a day in the life peek of the three hosts.

Ruffa, the “Mhie na may Laban” shares a success story on how she raised her two daughters, Lorin and Venice, at ilalahad niya kung paano siya nagkaroon ng college degree this year sa kabila ng mga pinagdaanan natin.

 Mariel, the “Mhie na may Diskarte” reveals her fun life as a hands-on mom to her daughters and determination as an entrepreneur despite being a Senator’s wife.

On the other hand, Ciara, the “Mhie na may Hataw” shows her strength as a single parent, discipline as a health and fitness advocate, and being a motivator and mentor as a pole-dancing teacher.

 Well, sa mga kuwento ni Ruffa aang saya na, kung saan siya nagkaroon ng misyon na maging farmer, talagang naramdaman daw niya ang hirap ng ganitong trabaho kaya pagkatapos ng nasabing misyon ay namili siya ng maraming prutas at saka pinamigay sa kanyang mga kaibigan.

Kakai Bautista, self-love ang sigaw sa bagong single

 Nag-uumapaw sa confidence ang tinaguriang Dental Diva na si Kakai Bautista sa kanyang bagong single na Pag-ibig Ko’y Panalo. Hatid ng nakakaindak na awitin ang mensahe ng pagtanggap sa sarili sa kabila ng iba’t ibang opinyon ng mga tao.

Iprinodyus ito ni Star Pop label head Rox Santos at isinulat ni Lian Kyla. Kilala rin si Kakai sa mga kantang Tingnan Mo Naman Ako at Parang Paalam Na at sa nakakaantig niyang rendisyon ng Huwag Ka Nang Magbabalik at Bakit Nga Ba Mahal Kita.

Show comments