Vhong nasa quarantine pa, mga kakosa excited na!

Ang kinatatakutan ng pamilya, mga kaibigan at suppor­ters ng dancer-turned actor-comedian and TV host na si Vhong Navarro na siya’y mapiit sa Taguig City Jail in Camp Bagong Diwa ay nangyari na dahil last Monday, Nov. 21, ay inilipat na ang dancer, actor-comedian, TV host sa isang male dormitory ng Taguig City Jail kung saan ang nasabing kulungan ay may halos isang libong preso with only 25 prison cells.

Na-deny ang motion ng kampo ni Vhong na siya’y manatili sa National Bureau of Investigation detention cell kung saan siya na-detain since September.

Pagkatapos ng mahigit isang linggong pamamalagi sa isang detention cell ng Taguig City Jail ay isasama na rin si Vhong sa isang male dormitory kasama ang ibang inmates and will treat him just like any other ordinary prisoner na may iba’t ibang krimen na ginawa.

Natatakot ang misis ni Vhong na si Tanya Bautista-Navarro dahil nakatanggap umano siya ng threat para sa kanyang husband na may mangyayari rito kapag ito’y nalipat na sa Taguig City Jail.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nadedesisyunan ang petition ng kampo ni Vhong for bail sa kanyang dismissed at muling binuhay na kaso ng rape laban sa kanya ni Deniece Cornejo.

Sobra ring apektado ang ina ni Vhong maging ang kanyang dalawang anak na sina Frederick at Isaiah, ang kanyang ex-wife na si Bianca Lapus maging ang pamilya ni Vhong sa noontime program na It’s Showtime na pinangungunahan ni Vice Ganda.

Kiko, nakatrabaho ang mga reyna ng hubaran

Ang pakiramdam ng actor na si Kiko Estrada ay ‘hari’ umano siya dahil nakatrabaho niya nang sabay for the very first time ang dalawang ‘reyna’ ng Vivamax na sina AJ Raval at Angeli Khang sa pelikulang Us x Her at palabas sa Vivamax streaming app simula ngayong Biyernes, Nov. 25.

Ang Us x Her ay second team-up na bale nina Kiko at AJ na unang nagkatrabaho sa action-sexy drama movie na Sitio Diablo na dinirek ni Roman Perez, Jr.

Nalilinya na rin sa paggawa ng sexy movies ang panganay ng anak na si Gary Estrada at actress na si Cheska Diaz.

Si Kiko ay apo ng yumaong veteran character actor na si Paquito Diaz at pamangkin naman ng actor na si Joko Diaz kaya hindi kataka-taka ang talent nito sa larangan sa pag-arte.

Ka Tunying, mahigit dalawang taon napahinga sa TV

After more than two years na hindi siya napanood sa telesbisyon, balik-TV ang hard-hitting radio commentator at TV host na si Anthony ‘Ka Tun­ying’ Taberna sa pamamagitan ng kanyang bagong public service program na Kuha ALL under ALLTV ng AMBS na magsisimulang mapanood ngayong Sabado, Nov. 26, at 5 p.m. to 6 p.m. sa bagong  Channel 2.

The program is line-produced ng Outbox Media na pinamumunuan ng misis ni Ka Tunying na si Rossel Velasco-Taberna.

Si Ka Tunying ay huling napanood sa programang Tapatan ni Ka Tun­ying sa bakuran ng ABS-CBN kung saan siya nagsimula bilang radio and TV personality.

Ang nasabing programa ay tumagal sa ere ng anim na taon.

Nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung May 5, 2020 ay isa si Ka Tunying sa libu-libong empleyado at talents ng Kapamilya Network na nawalan na trabaho. Months later ay kinuha siya along with his Dos por Dos radio partner na si Gerry Baja ng DZRH to anchor their daily commentary program on radio na bitbit nila from DZMM TeleRadyo.

Ang one-hour once-a-week public service program na Kuha ALL ni Ka Tunying ay isa pa lamang sa TV programs na kanyang gagawin sa ALLTV. Kasunod na rito ang kanyang pagiging anchor ng flagship nightly news program ng AMBS ng mga Villar.

Show comments