Kinumusta namin kay Mel Tiangco kahapon ang co-anchor niya sa 24 Oras na si Mike Enriquez na matagal-tagal na ring hindi napapanood sa nasabing news program GMA 7.
Tinawagan niya ba ito? “Baka naman sabihin pati ako nantsitsismis,” umpisang sagot niya.
“Malulungkot naman ako ‘pag sinabi niyang... lalo na nung lumabas ‘yung fake news. Siyempre nagtatawagan na kami ng mga staff... sasabihin naman nila ‘hindi tita.’ Siyempre, naniniwala ako sa kanila.”
Huli silang nagkita bago nag-leave si Sir Mike “kasi kailangan niyang magpa-test. Eh hindi pa siya bumabalik,” aniya pa.
Samantala, bagama’t nahirapan siya noong pandemic marami rin namang naging realization si Mel.
“Pwede pala ‘yon. ‘Yun lang ang aking masasabi. Pwede pala ‘yung ganon na ang buhay natin less stress, mas nagkakaintindihan pero of course napakahirap ng pinagdaanan natin nung pandemic na ‘yan. Imagine, kailangan pala ng pandemic. It needed so many people going, para maano sa atin ‘yun na wala palang masarap kundi ‘yung tahimik tayo. Let’s do our faith ‘yung walang negativities. ‘Yun ang realizations ko nung absent kami nang absent, absent ako nang absent, ang hirap nu’n.”
Tulad sa karamihan ngayon, nagka-COVID din si Ms. Mel. Kelan po kayo nagka-COVID?
“Ito lang year na ‘to pero very mild. Thank God, very mild. Hindi ko napansin. Sumakit ‘yung lalamunan ko, kinabukasan nawala ‘yung sakit ng lalamunan ko, sinipon lang ako tapos wala na. Kasi naman ako, may rhinitis ako kaya kung makikita n’yo, luha ako nang luha. You know, it’s basically allergy, rhinitis allergy. Lumalabas, eh, so ‘pag inubo ako, ‘ano kaya ‘to, rhinitis ko or… ‘yung ganon. Kaya hindi ako nagbibiro ‘yung sinabi kong ‘may sipon ka lang, ninenerbyos ka,’ ‘di ba? Kasi ganon, ‘yun pala negative naman ako. Ang gastos sa PCR, ayoko ng Antigen, baka mamaya false yan. Kahapon nag-PCR ako for today.”
Lagi kayo nagpi-PCR?
“Oo, saka dito sa Magpakailanman. It’s a requirement at GMA so parati kami, ako, PCR nang PCR.”
Samantala, one month ang celebration ng 20th anniversary ng Magpakailanman hosted by Ms. Mel Tiangco.
At ngayong gabi, mapapanood ang kuwento ni Maegan Aguilar na gagampanan ni Sanya Lopez.
Sa kabila ng paghihirap at panghuhusga ng karamihan, nanatiling matatag si Maegan Aguilar.
Tunghayan ang kanyang tunay na kuwento sa Listen to my Heart: The Maegan Aguilar Story, ang ikalawang bahagi ng 20th anniversary special #MPK.
Samantala, may bali-balitang mag-e-end na rin ang MMK (Maalala Mo Kaya) na katapat ng Magpakailanman pero wala pang official statement from ABS-CBN, anong masasabi ni Ms. Mel tungkol dito?
“I’m sad, I mean I don’t like that. Kasi ano na ‘yung Maalaala Mo Kaya… classic na, kumbaga. Talaga? Nag-stop taping na sila?
“Hindi, noong panahon ng pandemic, akala ko katulad lang namin talagang walang taping kasi pandemic. Akala ko ganon. That’s really sad. I’m sad for Charo (Santos-Concio)”
Anong message ang gusto n’yong iparating if ever na totoo?
“Syempre I hope it’s not true, ‘di ba, because walang makakapalit sa Maalaala Mo Kaya. It is a class of its own, ang Maalaala Mo Kaya, ‘di ba. Talagang hindi biro ‘yung pagka natapat ka noon sa Maalaala Mo Kaya. Ah naku, magdasal ka na sa lahat ng santo. Hindi mo matatalo ‘yan. Eh, tumapat na talagang makapal ang mukha ko. Biro lang,” game na sagot ni Ms. Mel kahapon.
Maxene, may sagot sa fake news sa kanila ni Neil
“Unfuckwithable,” ang animo’y sagot lang ni Maxene Magalona sa fake news na nabuntis diumano siya ng ex na si Neil Arce.
“When you’re truly at peace and in touch with yourself, nothing anyone says or does bothers you and no negativity can touch you,” dagdag niya sa caption na naka-yoga pose.
Fake news na from the start ang nasabing chika na nagkaroon ulit sila ng ugnayan ng mister ni Angel Locsin kaya raw nagmadaling makipaghiwalay si Maxene sa dating mister.
Kalat na kalat ngayon sa social media ang fake news.
Nauna nang nag-post ang mag-asawang Neil at Angel na ang ‘message’ ay wala silang problema sa pagsasama.