John Lloyd at Isabel, nag-red carpet sa Australia!
May post si Isabel Santos ng photos nila ni John Lloyd Cruz sa red carpet sa APSA event event. May photo na mga paa lang nila ang ipinakita, may photo na naka-pose sila na magkatabi at ang isang picture, magka-holding hands sila, kaya lang, mga kamay lang na magkahawak ang pinost ni Isabel, wala ang mga mukha nila.
Hindi pa umaamin publicly sina JLC at Isabel sa kanilang relasyon, pero alam ng marami na sila na.
Magkasama pa nga silang nagbakasyon sa UK, kaya lang, matipid si Isabel sa pagse-share ng photos nila together. Lalo naman si JLC, hindi nagpo-post ng mga larawan nila at hindi siya sasagot kapag tinanong sa kanyang love life.
Alam kaya nina JLC at Isabel na marami silang shippers at masaya sa kanilang relasyon kahit hindi pa isinasapubliko. Deserve raw ni JLC na sumaya at kung si Isabel ang magpapasaya sa kanya, masaya sila para sa aktor.
Dahil sa ‘pang-ookray’ kay Heart... Alex, naungkat ang galit nang magka-miscarriage
Ayaw pa ring tigilan si Alex Gonzaga ng isyung miscarriage at kapag may chance ang kanyang bashers, binubuhay ang isyu. Pero, hindi nagpapatalo si Alex at pare-pareho ang sagot niya sa nag-comment ng “The urge to make Alex Gonzaga miscarriage jokes is irresistible,” sa nag-comment ng “Dose of your own medicine” at “masyado ka kasing pa relevant (may kasama pang mura).”
Ang sagot ni Alex sa bashers niya ay “Pssst! Go lang if that will satisfy you I won’t mind i’ll be the first one to laugh pa. You’re welcome.”
Sa nag-comment na pa-relevant siya, tama naman ang sagot ni Alex na madaling solusyunan ang problema ng mga ayaw sa kanya, ‘wag siyang pansinin.
Nabuhay ang miscarriage issue kay Alex dahil sa joke nila ni Dra. Vicki Belo na inisnab sila ni Heart Evangelista sa Milan Fashion Week na later on, kanilang binawi dahil nagbibiro lang daw sila. Na-trigger ang fans ni Heart at ang netizens na ginagawa niyang biro ang lahat, kaya binuhay ang miscarriage issue ni Alex.
Marami pa rin naman ang nagmamahal kay Alex, ipinagtatanggol siya sa bashers nito at iniintindi siya. Kaya lang, may mga na-trigger na naman nang mag-comment siya ng “Ay dapat walang nagpaprivate at magdedelete ha... hihinang nilalang naman” at nagsimula uli ang bashing sa kanya.
Mikael at Megan, gigil sa kape hanggang Singapore
Coffee lovers talaga ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young dahil kasama sa ginawa nila nang magbakasyon sa Singapore ay mag-coffee shop hopping. Tumitigil sila sa bawat madaanang coffee shop at pagdating palang sa Singapore, three coffee shops agad ang pinuntahan.
Wala silang pinili para lang makahanap ng masarap na kape.
Anyway, mukhang pahinga ngayon sa telebisyon si Megan at ‘yung singing competition na iho-host nila ni Mikael sa GMA 7, hindi na yata matutuloy. Si Mikael ang active pa dahil sa Running Man at siguradong may kasunod na siyang project, next teleserye sana dahil magaling siyang umarte.
- Latest