^

Pang Movies

Alden, nakulong sa elevator   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden, nakulong sa elevator            
Alden

Wala naman palang phobia si Asia’s Multimedia Star Alden Richards na makulong sa isang closed area, pero na-challenge siya sa isang eksena sa Pinoy adaptation ng K-drama na Start-Up PH, na nakulong sila sa elevator ni Dani (Bea Alonzo). “Hindi problema sa akin kung may mga ganoong eksena sa serye kong ginagawa, pero gusto kong maramdaman kung ano ang feeling ng mga nakukulong sa elevator, para maibigay ko ang acting na dapat. May flashback pa ng eksena na noong bata ako as Tristan, na kapag nagagalit sa akin ang Tita ko, ikinukulong niya ako sa cabinet at pina-padlock ang pinto, kaya hirap na hirap ako at hindi ako halos makahinga hanggang hindi niya binubuksan ang pinto. Ganoon pala ang mararamdaman mo kung makulong ka sa isang maliit na lugar, na halos walang hangin.”

Nag-trending sa Twitter ang eksenang iyon, na sa takot ni Tristan, nakuha niyang masabi kay Dani na “gusto kita, Dani,” bago nabuksan ang elevator at nailigtas sila.

Glaiza, wagi sa Facine Filmfest

Congratulations to Kapuso actress Glaiza de Castro for winning the Best Actress award sa Liway, from Facine Film Festival (29th Annual Filipino International Cine Festival), San Francisco, California. Natanggap ni Glaiza ang message habang nasa Canada siya, shooting an international movie doon.

“Maraming salamat @facinefilmfestival. It’s an honor po knowing that the winners were selected by an esteemed panel of three jury members: Film scholar, critic, author JB Capino, Indonesian Film scholar, curator Gaston Soehadi and film and theater actor, academic Sunita Mukhi. Mabuhay ang pelikulang Pilipino!

“On that note, sa mga hindi pa po nakapanood ng Liway, you can actually watch it on YouTube for free.”

Ilang araw na lamang ang ilalagi ni Glaiza sa Canada, naghihintay na rin sa kanya ang GMA Network sa pagbalik niya on Nov. 26, dahil magsisimula na sila ni Mike Tan sa bagong teleserye na muli nilang pagsasamahan, ang Seed of Love.

Rocco, sinisingit sa shooting ang pag-aalaga ng baby

Thankful si Kapuso actor Rocco Nacino na nakasama siya sa history fantasy portal series na Maria Clara at Ibarra ng GMA Network, na ginampanan niya ang very important character sa serye, bilang si Elias, ang best friend pero misteryosong tagapaligtas ni Crisostomo Ibarra. Isa na ito sa mga tagpong inaabangan ng netizens, dahil action-packed ang mga eksena niya, dahil ipagtatanggol niya si Ibarra, laban sa mga fraile na sina Padre Damaso (Tirso Cruz III) at Padre Salvi (Juancho Triviño). Napapanood ang #MariaClaraAtIbarra, 8 p.m. sa GMA 7.

In between shoots, Rocco spends time na tinutulungan niyang mag-alaga ang wife niyang si Melissa Gohing sa kanilang first born, si Ezren Raffaello.

ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with