Sa naging send-off ceremony para kay Binibining Pilipinas International Hannah Arnold ng Department of Science and Technology sa nalalapit na pag-compete nito sa Miss International pageant sa Japan sa Dec. 13, hindi nga makapaniwala ang beauty queen na natuloy rin sa wakas ang pag-represent niya sa Pilipinas.
Post pa ni Hannah sa Instagram: “A dream is a wish your heart makes when you’re fast asleep and this is truly a dream come true to finally have my own @bbpilipinasofficial send off for @missinternationalofficial.”
Dalawang taong hindi natuloy ang Miss International pageant dahil sa naging global pandemic. Kaya dalawang taon ding inasam ni Hannah na masungkit niya ang korona para sa Pilipinas tulad ng ginawa ng past Filipina Miss International winners na sina Gemma Cruz, Aurora Pijuan, Melanie Marquez, Precious Lara Quigaman, Bea Rose Santiago, at Kylie Verzosa.
Matagal na raw handa physically at mentally si Hannah na mag-compete sa naturang pageant. Kasabay nito ay mapapalawak din niya ang awareness ng marami sa kanyang advocacy sa environment at sa pag-improve pa ng science and technology sa ating bansa.
Sa Tokyo Dome City Hall in Tokyo, Japan gaganapin ang pageant sa Dec. 13.
Kyline, nahirapang magluksa nang mamatay ang lolo’t lola
Naging open si Kyline Alcantara sa naranasan niyang matinding kalungkutan noong pumanaw ang kanyang lolo’t lola noong kasagsagan ng pandemya.
Minsan daw kinuwestiyon ng Sparkle actress kung bakit sino pa raw ‘yung sobra mong mahal ang siyang unang kinukuha ni Lord.
Kuwento ni Kyline: “Si Papa Ben kasi nung namatay siya, biglaan lang. Nagkaroon siya ng heart attack tapos nagte-taping ako noon ng Bilangin ang Bituin sa Langit. Nag-pandemic umuwi kami sa Bicol for three months and then bumalik kami sa Manila para mag-work ako para sa show kasi ‘yun ‘yung time na puwede na mag-taping pero lock-n. Habang nagpe-prepare ako for the lock-in, Papa Ben died. It’s very sudden sa akin kasi hindi sinasabi ni Mama. Kasi ayaw niyang ma-distract ako.
“It was really hard because hindi na ako puwedeng bumalik ulit sa Bicol. ‘Yun ‘yung pinakamahirap kasi last time ko siya nakita months ago na.
“Tapos nung taping na, libing na ni Papa Ben, ‘yun ‘yung naka-FaceTime I was crying on my own habang nasa FaceTime. ‘Yung pumapasok lang sa isip ko nun how I wish, like I would do anything para makita si Papa Ben for the very last time.”
Pagkaraan naman daw ng ilang buwan, ang lola ni Kyline na si Big Mama ang sumunod na pumanaw.
Matagal daw bago natanggap nang buo ni Kyline na wala na ang kanyang Papa Ben at Big Mama. Pero alam niyang nasa mas mabuting lugar na sila ngayon.