^

Pang Movies

Maureen, ayaw na ulit makita si JK!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Maureen, ayaw na ulit makita si JK!
Maureen

Ending na talaga ng love story nina JK Labajo at Maureen Wroblewitz dahil bukod sa nakahanap na si Maureen ng bagong pag-ibig, in-unfollow

na niya sa Instagram si JK.

Hindi na rin pina-follow ni JK si Maureen at ang hindi lang natin alam ay kung sino ang unang nag-unfollow sa isa’t isa.

Sa ginawa nilang ito, ayaw na talaga nilang makabalita sa isa’t isa, para bang sinabing magkalimutan na tayo.

Pansin lang namin sa mga comment, parang mas marami ang maka-JK.

Pinapayuhan nila si JK na gamitin ang heartbreak niya sa paghihiwalay nila ni Maureen to write more songs and create beautiful music. May nagpayo naman kay  na mag-gym at mag-workout ang singer para gumanda ang katawan at may nagpaalalang bata pa siya at marami pang magagandang bagay ang darating sa kanya.

Kung dedma sa ama... Barretto Siblings, super flex sa birthday ng kanilang ‘Manang’

Ang sweet ng Barretto siblings sa kasambahay nilang Manang Nenay ang kanilang tawag dahil binati ng magkakapatid sa birthday nito. Si Leon Barretto ang unang bumati at pinost ang larawan nilang dalawa.

“Happiest birthday to our Manang Nenay. She’s been in my life for almost 19 years. Will forever be grateful for her, thank you for taking care and loving us manang.”

Sumunod ang birthday greetings ni Julia Barretto na “Love you manang Ninay!!! at sinundan ni Dani Barretto ng “Happy Birthday Manang!!! We love you!!.” Pati ang pinsan nilang si Pocholo Barretto, bumati rin.

 May mga nag-request kay Leon na gumawa sila ng vlog na magkakapatid kasama si Manang Ninay at sigurado raw na masaya. Isama raw nila sina Claudia at Erich Barretto na hindi nag-post ng birthday greetings sa Instagram ni Leon.

Kung happy naman ang magkakapatid sa birthday ng kanilang manang, madalas naman maintriga ang magkakapatid sa pang-iisnab sa kanilang amang si Dennis Padilla.

Luis, pinaglaruan ang panalo ni Billy

Pa-comedy ang pagko-congratulate ni Luis Manzano kay Billy Crawford sa pagkakapanalo ni Billy sa Dancing with the Stars sa France. Ang pinost na photo ni Luis ay larawan ng mga look alike nila ni Billy at ginagaya sila.

Ang caption pa ni Luis ay “Congrats @billycrawford for winning Dancing with the stars! Proud of you!” Natawa si Billy at napa-comment ng “Hahahahahaha sira ulo ka talaga paps! Magbago ka na may anak ka nang parating.”

Pati si Edu Manzano napa-comment ng “That is not my son!!!” at “Saan ang hustisya!.” Sagot kay Edu ng  isang netizen, ma-trim lang ang chin ng gumagaya kay Luis, magiging kamukha na ito ng anak niya. In fairness, ‘yung gumawa kay Billy, kamukha rin nito.

Comment ni Karylle, sana ma-pick up ng French news ang post ni Luis at lahat ng nag-comment, natawa.

                                                                         

MAUREEN WROBLEWITZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with