Ellen at Derek, nagpakasal ulit sa Peru!
Bilang celebration ng kanilang first wedding anniversary, nagpakasal ulit sina Ellen Adarna and Derek Ramsay sa Peru nitong nakaraang Nov. 11.
Pumunta sa nasabing bansa ang mag-asawa para ipagdiwang ang kanilang unang taong anibersaryo pero ang nakakatuwa ay nagpakasal pa silang muli.
Makikita sa larawang ibinihagi ni Ellen sa kanyang Instagram post ang naging wedding ceremony nila.
“Today, we got married again,” caption ni Ellen.
Kinuyog naman ng pagbati ang mag-asawa ng kanilang mga kaibigan at kapwa celebrities tulad nina Ruffa Gutierrez, Yam Concepcion, Vina Morales at marami pang iba.
Natuwa rin ang followers nila at may nagkomento pa na sana raw, gawing tradisyon nina Derek at Ellen ang magpakasal sa iba’t ibang bansa tuwing sasapit ang wedding anniversary.
Janice, inakalang natanggalan ng mata sa eksena nila ni Gabby
‘Kaaliw ang tsikahan nina Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, Gelli de Belen and Janice de Belen sa kanilang latest vlog na may titulong Wala Pa Kaming Title.
Ang topic nila ay tungkol sa mga pisikalang eksena nila sa kanilang proyekto tulad ng sampalan at sabunutan. At dahil marami na silang nagawang proyekto, kanya-kanya silang kwento ng kanilang karanasan tungkol dito kung saan ay totoo silang nasaktan or nakasakit.
Pinakamalala ay ‘yung experience ni Janice sa eksena nila ni Gabby Concepcion sa old film nilang Mahalin Mo Ang Asawa Ko.
Kwento ni Janice, ang eksena raw ay parang inaawat siya ni Gabby dahil pinapagalitan nila ang kanilang anak na ginagampanan ni Paolo Contis.
Pero pagkuha sa kanya ni Gabby ay napahagis daw siya sa likod at tumama ang mukha niya sa dalawang armrest ng sofa. Naramdaman daw niya agad ang sakit at akala raw niya ay natanggal na ang kanyang mata.
“So imagine the pain, kasi kinapa ko ‘yung mata ko ba, andiyan pa?,” natatawa niyang kwento.
Nataranta raw lahat at tinanong naman daw siya agad ni Gabby kung okay siya.
Pero parang nakakakita raw siya ng stars dahil nga sa sobrang sakit. Namaga raw agad ang kanyang mukha kaya na-pack up na rin ang shooting at madaling-araw na rin naman daw.
“The next day, nahihilo talaga ako. Eh bad pala ‘yung ganu’n. ‘Di pala ok ‘yung ganu’n. That’s why, we had to go to the hospital,” tsika pa niya.
“May whiplash so I had to be confined,” sey pa niya.
Kaya sabi ni Carmina, ‘yan din daw talaga ang hirap sa kanilang trabaho dahil hindi talaga maiwasan kung minsan ang magkasakitan kahit anong ingat pa ang gawin.
- Latest