Mga bulaklak, pinagaganda ang araw ng may sakit

Talagang happy ako nang matanggap ko ang flowers mula kay Papa Bongbong Marcos ko, Salve. Love ako talaga ni Usec. Honey Rose dahil talagang she made sure na nasa dialysis ako nang ihatid ang flo­wers from PBBM. Bongga, ‘di ba, biglang feeling ko magaling na ako, hah hah, kaya hindi mo ako masisisi bakit Solid Marcos ako noh!

Imagine mo, ang laking bagay para magkaroon ako ng hope sa sakit ko. Thanks, Usec Honey Rose, you made my day. Love you, PBBM, your fan forever.

Kapuso stars, magbebenta ng pre-loved items!

Ang bongga naman ng mga Kapuso star. Magdo-donate sila ng kanilang pre-loved items sa pagbabalik ng Noel Bazaar kung saan pwedeng mamili ang Christmas shoppers for a cause!

Sa murang halaga, maiuuwi ng mga mamimili ang mga gamit ng kanilang idolo para sa fundraising kung saan ang beneficiaries ay ang GMA Kapuso Foundation and Inquirer Foundation. Puwede rin ditong bumili ng mga panregalo ngayong Pasko.

Siguradong maraming matutulungan ang Kapuso stars natin ngayong darating na Pasko at makikita pa nila ang kanilang mga idolo sa Noel Bazaar.

Ang ilan nga sa mga magdo-donate na kanilang pre-loved items ay sina Gabbi Garcia, Julie Anne San Jose, Rufa Mae Quinto, Christian Bautista at marami pang iba, pati ang GMA News and Public Affairs personalities na gaya nina Jessica Soho, Arnold Clavio, Howie Severino, Pia Arcangel ay makikiisa rin!

Excited na ang bazaar-goers!

Show comments