Pinakilig nina Paul Salas at Mikee Quintos ang maraming netizens sa kanilang bakasyon sa Europe.
Wala pa kasing bagong sinimulan na teleserye ang dalawa kaya nagkita lumipad sila sa City of Love which is Paris.
Namamasyal iba’t ibang magagandang lugar sa Paris ang dalawa. Nilatagan pa ni Paul ng song na La Vie En Rose ang pinost niyang video nila ni Mikee sa Instagram.
Turista lang ang peg ng dalawa sa pagpasyal nila sa state-of-the-art Louvre Museum, Sainte-Chapelle de Paris, at siyempre, ang pamosong Eiffel Tower.
Nilagyan ng simpleng caption ni Paul ang video ng: “We’re in Paris.”
Kasalukuyang napapanood sina Paul at Mikee ssa GMA Primetime series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters.
Jackie Lou, nilantad ang ABS
Kaya pa ring kabugin ni Jackie Lou Blanco ang mga nagseseksihang mga young stars ngayon, lalo na kung pagandahan rin lang ng katawan.
Sa isang pambihirang pagkakataon, nilantad ng Jackie ang kanyang sexy well-toned abs sa isang Instagram photo kunsaan nasa beach siya at suot niya ay isang black halter top at red bikini bottom.
Caption pa ng ang photo: “Mag-pose ala Baywatch daw. 1st photo: Kaya pa. 2nd: In action naman! 3rd: Di ko na kaya, tawang tawa na ako. Kidding aside, so happy I got to rest and relax this weekend, this was just so much fun! Just the way I always like it.”
Maraming netizen ang namangha sa ganda pa rin ng katawan ni Jackie. May mga netizen na tinawag si Jackie na HOT MAMA at ‘yung iba naman ay HOT LOLA.
Hindi nga naman nagpabaya sa kanyang katawan si Jackie simula noong sumali at manalo siya sa Slimmer’s World Great Bodies Competition noong 2001. At 21 years later, maintained ni Jackie ang well-toned body niya sa edad na 58.
Kasalukuyang napapanood si Jackie bilang si Sandra Yoon sa GMA drama series na Start-Up PH kunsaan bida sina Alden Richards at Bea Alonzo.