DongYan, ingat sa address ng bagong bahay
Picture ng crucifix na may simpleng caption na, “Home Sweet Home” ang nakalagay sa Instagram ni Marian Rivera nitong nakaraang mga araw.
Pero sa comments section, inulan si Yan ng pagbati dahil sa paglipat ng pamilya sa kanilang bahay na ipinagawa, huh!
Magkatulad rin sila ng post ng asawa niyang si Dingdong Dantes at isa itong kumpirmasyon na nasa bagong bahay na ang Dantes Squad!
Eh sa vlog ng team dantes squad.com, ibinalita rin nila ang bagong tahanan ng fam Dantes. May picture pang nakalagay ng pink room ni Zia at foray ng house.
Of course, maingat ang admin ng vlog at mga bumati dahil walang nakalagay kung saan ngayong nakatira ang Dantes family!
Siyempre, confidential, ‘ no?
Nagalingan sa halik ni Therese
Bumuhos ang international best actor awards na natanggap ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa una niyang movie na Broken Blooms na dinirek ni Louie Ignacio mula sa BenTria Productions.
Si Therese Malvar ang kapareha niya at kasama pa niya sina Jaclyn Jose, Lou Veloso at Royce Cabrera. “Dream ko talagang maging best actor at nang dumating sa akin ito, pinaghandaan ko talaga!,” pahayag ni Jeric sa unang movie niya.
Nanghinayang si Jeric dahil hindi niya personal na natanggap ang award.
Young couple sila ni Therese na dumanas ng hirap at first torrid kiss siya ni Therese. Sa movie niyang Huling Cha Cha ni Anita, smack ang halikan nila ni Angel Aquino. Nagulat daw si Therese.
“First mature niya ‘yun. Mother siya at may anak. At first, mahirap. Naging open naman ako sa kanya,” sagot niya.
Magaling humalik? “Magaling po siyang humalik as an actress! Nagawa po niya ang eksena! Mga dalawang take! Ha! Ha! Ha!,” saad ng aktor.
Eh magaling naman siyang humalik ‘di ba?
“Oo naman po! Marami na akong nagawang halikan! Ha! Ha! Ha!,” deklarasyon ni Jeric.
Mapapanood sa cinemas nationwide ang Broken Blooms sa Dec. 14!
- Latest