Heart, almost P1 million ang suot na top sa isang event!
Tumataginting na P800,000 daw ang suot na top ni Heart Evangelista nang dumalo sa Christmas tree lighting ceremony sa Greebelt 5 last Nov. 9. Ang description sa suot ni Heart ay “golden tweed top with an exaggerated peplum detail. Punctuating it was a scaled-up pearl buttons playfully decorating the front.”
Ang pang-ibabang suot ni Heart at sleek brown corduroy-like trousers na hindi kasama sa presyuhan ng suot na elegant Louis Vuitton top. Kung kasama ang pants na suot ni Heart at ang suot na jewelry, magkano kaya inabot ang kanyang OOTD?
Nasa event din ang co-stars ni Heart sa I Left My Heart in Sorsogon na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Nagkaroon ng instant reunion ang tatlo. Pinost ni Heart sa kanyang Instagram story ang pagkikita nilang tatlo at kabilang sila sa dumalo sa Christmas lighting ng sinasabing the tallest LV Christmas tree in Southeast Asia this year.
Samantala, wala nang balita kina Heart at Sen. Chiz Escudero at ang paniwala ng netizens, nagkaayos na ang mag-asawa.
Chanty ng Lapillus, pumirma sa Sparkle
Isyu itong pagpirma ng kontrata ni Chanty ng K-pop group na Lapillus sa Sparkle GMA Artists dahil galing siya sa ABS-CBN at part ng Star Magic Circle 2018. Nabasa pa nga namin na tinulungan ng ABS-CBN si Chanty sa training niya sa South Korea kasama ang ibang members ng Lapillus, pagkatapos nito sa Sparkle pala siya pipirma.
Parang kagaya lang daw sa nangyari kay Zephanie na sa show ng ABS-CBN nanalo, pero ngayon, Sparkle artist na rin. Nasundan ni Chanty, kaya asahang magtutuluy-tuloy ang sagutan ng Kapamilya at Kapuso fans.
May kumontra na nga na ‘yung guesting ng Lapillus sa All-Out Sundays sa Sunday ay para mag-promote lang ng album at hindi siya Sparkle artist dahil Star Magic pa rin siya.
Jessy, may tip sa mga misis
Nag-share ng tip si Jessy Mendiola sa mga misis kung paano magkakaroon ng mas healthy relationship with their husbands.
“Wives, it is okay to cut people off from yous husband’s life, especially if it is the only way to protect him and your family from danger. Protecting your family fiercly is your duty as a mother and also as a wife. There’s a reason why God showed YOU their true colors.”
May mga misis na mag-a-agree sa tip na ito ni Jessy at meron ding kokontra. Baka nga, hindi lang mga misis ang kumontra kay Jessy, pati parents at pamilya ng mga mister. Maghintay raw si Jessy ng mga hindi papabor sa kanya.
Anyway, nagbigay ng update si Jessy sa kanyang pregnancy and as of a few days ago, 31 weeks preggy na siya, malapit na siyang maging mommy at si Luis Manzano ay magiging daddy na.
- Latest