Robi, nagsalita sa statement ni Zeinab na wala siyang market
Nagsalita na rin finally si Robi Domingo tungkol sa controversial issue nila ni Zeinab Harake kung saan ay sinabi ng vlogger na wala siyang market.
Sa panayam kay Robi ni Bernadette Sembrano, ayon sa TV host ay hindi naman daw siya na-offend sa sinabi ni Zeinab dahil totoo naman daw ito.
“Nu’ng lumabas ‘yung issue na ‘yun, wala talaga akong ano, wala ‘kong sey. I don’t wanna say, wala akong pakialam pero hindi ako na-affect that much kasi alam ko ‘yung story, alam ko context. And totoo naman. Ba’t naman ako magagalit kung totoo?,” pahayag ni Robi.
Tinanong ni Bernadette kung ano ‘yung totoo at sagot ng TV host, “totoo na mahina ‘yung algorithm, and you know there’s a different world for each content creator.”
Patuloy niya, “And some content creators make content not for the numbers but it’s their outlet for creativity. It’s their outlet to let their voices be heard.
“Naniniwala ako du’n sa content na ginagawa namin na, ‘Okay, konting viewers, konting views,’ but if it promotes ‘yung mga pinaniniwalaan ko, lalung-lalo na education ng kabataang Pinoy and health, and when you spit out facts, du’n ako.
“That’s why it’s called YouTube, e, it should focus on you.”
Aminado rin si Robi na sa 14 years niya sa industry, napaisip din siya kung may market nga ba siya.
“I would be lying if I say I don’t care about that. I had my frustrations. Lalung-lalo na, ‘Asan na ba talaga ako? Kailan ba ako magkakaroon ng break? Bakit ba palagi akong sidekick. Bakit ba palagi akong pinapadala sa malalayong lugar?’
“And then I realized, I needed to go to those places para mas mapagtibay ko ‘yung credibility at mas malaman ko ‘yung istorya. And kapag magawa mo ‘yun and when you’re inside the studio, mas may sense ka.
“At mas may bigat ‘yung relationship mo with the contestants, with the staff, at mas nagta-translate ‘yun sa manonood,” seryosong sey ni Robi.
Rob, sinilipan habang humahalinghing
May nakakaaliw na kwento si Rob Guinto habang sinu-shoot nila ang love scene nila sa hallway ni Kit Thompson sa Vivamax Original Movie na Showroom.
Kinunan daw ang eksena sa residential condo kaya may mga ibang taong naka-stay sa units.
Kwento ni Rob, habang humahalinghing daw siya sa eksena ay naririnig iyon ng mga residente sa loob ng unit ng mga ito.
“Sumisilip sila, kaya ang ginagawa namin, pinapakiusapan na lang namin na huwag na lang sumilip,” natatawang kwento ni Rob sa ginanap na screening/mediacon ng Showroom.
Pero nairaos naman daw nila ang eksena at humanga siya kay Kit dahil gentleman daw ito at sobrang bait katrabaho.
Bukod kay Rob, tumodo rin ang isa pang bida na si Quinn Carrillo sa sexy scenes. Ito na yata ang most daring film niya ever simula nang nag-artista siya.
Mula sa direksyon ni Carlo Obispo, streaming na ang Showroom this Nov. 11 sa Vivamax. Kasama rin sa pelikula sina Massimo Scofield and Alvaro Oteyza.
- Latest