Nag-trending sa Twitter ang #MCIBloodMoon ng historical fantasy portal series na Maria Clara at Ibarra na kasabay ring nag-trending ang Total Lunar Eclipse, na ayon sa PAGASA Astronomical Diary, ay magsisimulang mapanood at 5:19 p.m. Nagsimula ang serye at 8:00 p.m. na ang episode ay tatawid na si Klay (Barbie Forteza) para bumalik sa realidad. Sa pagtatapos ng Total Lunar Eclipse at 9:58 p.m., ay muling nakita ang full moon, samantalang nabigo si Klay makatawid sa portal dahil nahuli siya ng dating nang tinulungan muna niyang mailigtas sina Ibarra (Dennis Trillo) at Sisa (Andrea Torres).
Kausap namin ang Creative Director ng serye na si Suzette Doctolero at biniro namin siya kung paano nila naisip na magkakaroon ng Lunar Eclipse ng Nov. 8, at makakasabay ang pag-alis ni Klay. Sagot sa amin ni Suzi, “alam mo, hindi ‘yan sinadya, ‘di namin alam na magkakaroon ng eclipse, at makakasabay pa ng aming episode sa Maria Clara at Ibarra.”
Nakausap din namin si Mr. Tirso Cruz III, Chairman & CEO of the Film Development Council of the Philippines (FDCP), at nagpapasalamat siya sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanilang serye, na ginagampanan niya ang role ni Padre Damaso.
“Nakakatuwa na interesado ang mga tao sa ating history, lalo na ang mga kabataan,” wika ni Pip. “Malaking tulong ito sa edukasyon at kaalaman ng mga bagong henerasyon.”
Mostly pala ay weekends nagti-taping si Pip ng serye dahil sa trabaho niya sa FDCP. Sa Friday, Nov. 11, papunta siyang US para mag-attend ng meeting with filmmakers, film directors, and Fil-American actors. He will also attend the red carpet premiere ng On The Job movie na dinirek ni Erik Matti.
No time si Pip na mag-stay roon after the events. Sa December siya babalik sa US dahil may series of shows sila ng good friend niya, si Christopher de Leon, sa Los Angeles, San Francisco, Virginia, New York at Chicago.
Have a safe trip, Pip and Lynn Cruz!
Steak ni Alden, napuri ni Gina
It seems inspired si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa role niya as Good Boy Tristan Hernandez sa Start-Up PH Pinoy adaptation ng K-drama. Role ng isang mahusay na businessman si Tristan at doon ba nalilinya ngayon si Alden, bukod sa pagiging artista niya? May mga businesses nang naitayo si Alden at pinakabago ba ang Tasteful Selection na pinuri ni Ms. Gina Alajar, ang gumaganap na Lola Joy ni Dani (Bea Alonzo), ang ipinadala ni Alden sa kanya from his Tasteful Selection. “Thank you Good Boy @aldenrichards02 for the yummy steak you gave. I pray for the success of Tasteful Selection as well as your other business ventures… Lola Joy so so proud of you.”