Yassi kayang-kaya ang inuming panlalaki, tikom pa ang bibig sa pagiging Kapuso!

Yassi

Si Yassi Pressman ang 2023 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel.

Bagay na bagay kay Yassi actually dahil sa kanyang sexy and independent image.

Sobrang sexy ng layout ng mga calendar niyang ilalabas ng sikat inuming panlalaki para sa susunod na taon.

Nagbalik sa face-to-face event ang launching ng calendar girl for 2023 kahapon at proud na proud si Yassi.

Iba’t iba ang concept ng kanyang pictorial – 6 different layouts kung saan aminado siyang kinabahan talaga siya.

Samantala, ayaw pang mag-comment ni Yassi sa issue na magi­ging Kapuso na siya.

Hindi pa raw niya nakikita ang artcard ng GMA na ‘Yas she’s back!’

Diumano ay si Yassi ang gaganap na Estela sa classic Viva film na Saan Nagtatago ang Pag-ibig na pinagbidahan noon nina Vilma Santos, Ricky Davao, at Tonton Gutierrez.

Paolo Gumabao, ‘di natakot sa demanda

Kung ang iba ay natatakot sa demanda, hindi si Paolo Gumabao. Ito ay nang kasuhan sila ng Special Action Force (SAF). Bukod kay Paolo, kinasuhan din ng SAF si Rico Barrera, at iba pang involved sa pelikulang Mamasapano: Now It Can Be Told.

Inamin ni Paolo, na may blessing silang gamitin ang uniform ng mga sundalo kaya confident siya / sila na hindi sila makukulong dahil doon.

“Wala akong naramdaman. Kasi alam ko naman na wala namang kapupuntahan ang kasong ‘yun. Kasi meron po kaming approval ng SAF na gamitin ‘yun.

“Ang hinahabol sa akin, ‘yung TikTok na ginawa ko.

“Wala akong ginawa na magbibigay ng shame sa SAF 44.

“NagTikTok lang. I did not make fun of them, so alam ko rin na hindi rin naman aakyat sa korte ‘yun. Saka ang alam ko naman na ang producer namin ay napakahusay na abogado,” na ang nire-refer ni Paolo ay si Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films.

Isang beses lang siyang humarap sa korte at tinanung-tanong lang siya tungkol doon.

“Kino-question lang nila ako, bakit ko ginamit ‘yung uniform, nag-explain ako na ginamit namin ‘yun sa shooting ng pelikula.

“Ok naman po. Once lang ako pumunta sa fiscal,” paliwanag ni Paolo nang makausap namin.

Ginampanan ni Paolo ang character ni Supt. Raymond Train, commander ng PNP team, Seaborn 13, na naatasan na tugisin ang mga tero­ristang sina Marwan at Usman sa Maguindanao noong Jan. 25, 2015.

Anyway, sa sexy movie nag-umpisa si Paolo, sa Lockdown at Sisid.

Samantala, sinagot ni Atty. Topacio ang isyung may posibilidad na ma-disqualify ang Mamasapano dahil nagkaroon sila ng premiere night nito sa Baguio recently.

Ayon sa kontro­bersyal na abogado, rough copy ‘yun at iilan lang ang nanonood. Wala rin daw ticket selling ‘yun kaya walang ground para i-disqualify ang pelikula na kasama sa eight official entries ng Metro Manila Film Festival na mag-uumpisang mapanood sa mga sinehan simula sa Dec. 25.

Panganay nina Ryan at Judy Ann, debutante na

Bilis lang talaga ng panahon... Debutante na pala ang first daughter nina Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos na si Yohan.

Sa post si Juday ng greetings para sa adopted daughter nila.

“18 years.. just like that, time does really fly fast my love… 24 years ago i started praying for a baby when i turn 26.. in the same year that i turned 26, God gave me you.. and how lucky i am to have you.. you taught me a lot.. and up until now mommy’s still learning.. we grew up together.. literally.. and we are both blessed to have dad to guide and experience life and love with all our imperfections.. this we promise you.. life is tough my love.. friends come and go.. but, family.. is permanent.. wherever you wanna go.. whatever you want to be.. we will be here for you .. always and forever.. happy 18th our big buding.. we love you, with all of our hearts. @ryan_agoncillo.”

Show comments