Heart, puro paduda pa rin ang sinasabi sa kanila ni Chiz  

Heart

May sinabi na naman daw si Heart Evangelista na nagsimula na ang ikatlong bahagi ng kanyang buhay.

Maraming ispekulasyon ang ibig sabihin nung ganun dahil nauna riyan may mga kaibigan siyang nagsabing sinabi raw ni Heart na ok lang nilang kumpirmahin na hiwalay na sila ni Chiz Escudero, pero siya mismo puro padudang statement at walang sinasabi nang diretsahan.

Nagsimula iyan nang humanap siya ng apartment sa Paris, pero ang sinasabi niya mas gusto raw niyang subukin ngayon ang pagiging international model at uuwi na lang sa Pilipinas kung may gagawin siyang serye o pelikula. Mas marami kasi siyang mga international fashion shows ngayon, at tama naman ang sinabi niya na mas makakatipid siya kung hahanap na lang siya ng apartment doon, kaysa sa magpabalik-balik siya sa Pilipinas at sa  Paris.

Pero iyan ang nagsimula ng ispekulasyon na hiwalay na nga sila ni Senador Chiz, at nakikita rin naman sa mga ginagawa nila na hindi na sila magkasama sa bahay.

Binabantayan din ng mga netizen ang mga picture ni Heart na hindi na raw suot ang kanyang wedding ring, pero si Senator Chiz, suot pa rin ang wedding ring niya.

Ang isa pang sinasabi, kakatuwa na nang nag-celebrate ng birthday si Senator Chiz hindi man lang siya binati ni Heart.

Sana nga ay hindi sila totoong hiwalay na dahil wala pa kaming naririnig na kumpirmasyon mula sa kanilang dalawa.

Gabby, mukha pa ring bata

Para sa kanyang greetings sa birthday ng erpat niya, nag-post ng isang pagbati at throwback picture si KC, kung saan halos baby pa siya at kasama si Gabby. Kuha iyon sa beach, isang private picture kung tutuusin, dahil si Gabby naman noong araw ay hindi mo aasahang magpa-picture ng sexy talaga.

Hindi ba naging issue pa nga sa kanya noong araw na ayaw niyang ibaba ang kanyang pantalon at ipakita ang underwear sa isang eksena nila sa pelikula.

Pero iba ang reaksiyon ng mga tao sa picture na inilabas ni KC. Ang karamihan sa mga comment ay nagsasabing talaga raw palang pogi at sexy si Gabby noong panahon ng kanyang kabataan. May nagsabi naman na kahit naman hanggang ngayon ganoon pa rin ang porma niya.

Sa totoo lang naman, sasabihin mo bang ang hitsura ni Gabby ay 58 years old? Maraming mga matinee idol  na bata pa pero mas mukha pang matanda kay Gabby.

Iyan kasi ang artistang napangalagaan ang kanyang sarili at walang naging bisyo.

Newcomer, nakatanggap ng porno offer

Narinig namin ang kuwento ng isang newcomer sa ibang mga reporter na kakuwentuhan din namin noon. Kinukuha raw siya ng isang kumpanya para lumabas sa mga mahahalay na pelikulang pang-Internet, pero ang ibabayad ay 10 thousand per day at apat na araw lang raw tapos na ang shooting.

May isa daw siyang kaibigan na may ipinakilala sa kanyang hobbyist na ganoon din, kukunan siya ng video, pero halos dalawang oras lang ang trabaho at babayaran siya ng 50 thousand.

Sabi ng newcomer, mas kumikita pa pala ang gumagawa ng porno for personal collection kaysa sa mga porno na inilalabas sa Internet.

Show comments