^

Pang Movies

Ji Chang-Wook, kulang sa charm!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ji Chang-Wook, kulang sa charm!
Ji Chang-Wook
STAR/ File

Hindi ako masyadong humanga kay Ji Chang-wook sa mga napanood ko sa kanyang meet-and-greet.

Mas type ko pa rin talaga si Nam Joo-hyuk nangg magpunta siya rito para sa personal appearance.

Hindi ganun kalakas ang dating ng charm ni Ji Chang-wook in person kaya parang disappointing ‘yung turnout ng fans.

O baka naman nasobrahan na naman ang higpit ng security. Pero kaloka na hindi kagaya ng inaasahan ang turn-out ng crowd. Baka naman medyo nababawasan na rin ang hatak ng Korean stars?

Dahil siyempre sa bilis ng buhay ngayon madali na rin magsawa ang tao at mawalan ng interest.

Pero sa totoo lang hindi talaga ako nagkaroon ng kilig kay Ji Chang-wook, sana si Jo In-sung na lang para nakipila pa ako at tumili nang malakas na malakas ng ‘my Oppa.’ Hahaha.

Mano Po, agaw-atensyon!

Ang bongga naman ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters dahil nag-trending agad ito sa pilot episode nito. Mainit ang naging pagtanggap ng netizens sa pinakabagong primetime series at agaw-atensyon daw ito.

Umpisa pa lang ay nanggulat na agad ang magkakapatid na pinagbibidahan nina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino at Angel Guardian. Swak na swak ang pagkakapili sa casts.

Narinig ko pang na-stress daw agad ang mga manonood sa mga kaganapan sa simula pa lang ng serye.

vuukle comment

JI CHANG-WOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with