Kim, nasa cloud nine dahil sa Blackpink   

Kim

Halatang nasa cloud 9 pa sa kaligayahan si Kim Chiu nang i-post niya sa kanyang Instagram page ang super memorable experience niya watching Korean girl group Blackpink sa US.

Kasalukuyang nasa Amerika si Kim para sa ASAP Natin ‘To show. At timing naman na may US concert tour ang Blackpink titled Blackpink In Your Area or Blackpink World Tour kaya naman super happy ang aktres na matagal nang Blink (tawag sa fans ng nasabing K-pop group).

Sa short video na ipinost ni Kim ay makikitang nasa audience siya na masayang-masayang nakiki-dance pa sa kanta ng Blackpink. Kinunan din niya ang performance ng grupo habang nasa stage.

Sa caption, obvious na high na high pa sa happiness si Kim at sulit daw ang walong oras niyang paghihintay. She described the experience as best night ever, best concert ever at lahat ng ever.

“BLACK PINK IN YOUR AREA!!!! #BornPinkWorldtour

“No words!!!! SIMPLY THE BEST NIGHT EVER!!! BEST CONCERT EVER!!!! BEST GIRLS EVER!!! BEST SIDE TRIP EVER!!!! EVER NA SA LAHAT NG EVER!  8 hours of standing was super worth it saw them up close and personal with matching eye contact, wave wave, and smile smile. ANG GANDA AND ANG SAYA NG CONCERT!!! From sound check to the performance,” sey ni Kim.

Ayon kay Kim ay lumipad pa raw siya back and forth ng Las Vegas at Georgia para manood ng concert at bumalik daw siya na masayang-masaya.

“OA yung feeling kahit na nilalabanan ko yung jet lag ko and all grabe no words can describe as a BLINK, this trip is super-mega worth it. flew back and forth early morning flight alone to Georgia back to Vegas with happiness and kilig in my blink heart!!

“Special thank you to @danabinnie for this experience plus for taking care of me since I arrive hanggang pag uwi. Super, thank you, Mrs. Lacy! You don’t know how much this made me happy! Ahahha To all the Filipino we met, thank you for being kind and generous!!! Vlog hopefully this Sunday!,” aniya.

Maine, nilinaw na ‘di galing sa kanya ang negosyo ng kanilang pamilya

Nilinaw ni Maine Mendoza na ang mga negosyo ng pamilya niya ngayon tulad ng gasolinahan at McDonald’s franchise ay galing sa pera ng kanyang magulang at hindi sa kanya.

“I just wanna set the record straight,” aniya sa panayam sa vlog ni Ogie Diaz, “kasi ‘yung iba, iniisip din na ‘yung mga business namin ngayon, fruits of my labor.

“Actually, ‘yung gasoline station, nandiyan na po ‘yan even before I entered in the industry. And ‘yung McDonald’s franchise po, wala po akong ambag do’n. So, pera po ‘yun ng parents ko.”

Ngayon lang daw niya ito nasabi for the sake na rin ng fans na nagsasabing dahil sa kanila kaya siya nakapagpundar ng negosyo. “’Yung ibang mga supporters who they turned their back against me is parang iniisip nila na ‘kung ‘di naman sa ‘min, wala naman kayong ganito, ganyan.’ So ngayon ko lang din nasabi, Mama Ogs,” aniya.

Lima silang magkakapatid at lahat daw ng McDonald’s franchise ay isa-isang nakapangalan sa kanila. And again, pera raw lahat ng magulang niya ang ginamit dito at wala silang ambag dito.

“Parang ayaw nilang gamitin ‘yung money that we earned, so fruits of their labor po ‘yun, ng parents ko,” she said.

Ang perang kinikita raw niya ay hindi ginagalaw ng parents niya at savings daw niya ‘yun for her future.

Show comments