^

Pang Movies

Ruru, first time sa horror!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ruru, first time sa horror!
Ruru

Bilis lang talaga ng panahon. Tapos na naman ang Undas.

Pasko na agad. Ilang tulog na lang, at mamalayan natin tapos na rin pati New Year.

Pero ang isang sigurado ako, hindi kumpleto ang Undas kung wala ang taunang Halloween Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho na napanood noong Linggo kung saan ipinalabas ang episode nilang Gabi Ng Lagim.

Sa ika-sampung taon nito, ten times ang katatakutan na inihatid nitong mga makapanindig-balahibong kuwento kung saan napanood si Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid.

Matapos nga ang matagumpay na action adventure-serye na Lolong, napanood si Ruru sa kauna-unahan niyang horror stint. Gumanap siya bilang isa sa mga kalalakihang binibiktima ng mga Tiyanak sa Sarangani.

Kinilabutan nga ang karamihan sa isang pasyalan sa isang probinsya sa Mindanao kung saan nalitratuhan ang elementong sumasampa sa balikat ng mga turista, ang bersyon natin ng… Pinoy Shutter.

Isang multo ang na-caught on cam din diumano sa loob ng Auditorium ng isang eskwelahan sa Visayas nang naki-extra ito para sa isang proyekto.

At kaluluwang nanggagambala sa Unit 771 sa isang tenement sa Taguig, na-record ang pagtangis, pagtaghoy, at paghingi ng tulong. Makalipas ang dalawang dekada, papasukin ng paranormal researcher na si Ed Caluag ang kinatatakutang kuwarto.

Napanood ang mga dramatization nito napinagungunahan ng mga batikang direktor na sina Adolf Alix Jr., Derick Cabrido, Topel Lee, at Jerrold Tarog.

Grabe, may mga ganito pa palang mga pangyayari, Salve.

Kala ko noon lang ito. Pero buhay pa pala ang mga ganitong katatakutan. Kaloka.

RURU MADRID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->