^

Pang Movies

Anak ni Angel Aquino, ‘di nagpatalo sa depresyon!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Anak ni Angel Aquino, �di nagpatalo sa depresyon!

Magmula nang iwan sila ng kanyang ex-husband when her two daughters were still small, mag-isang iginapang at binuhay ng 49-year-old actress na si Angel Aquino ang kanyang mga anak na sina Iana (29) at Thea (27) na pareho nang tapos sa kanilang pag-aaral.

Ang panganay ni Angel na si Iana Bernardez ay sumunod na rin sa kanya sa pag-aartista habang ang pangalawa at bunsong si Thea ay kamakailan lamang nagtapos ng kanyang pag-aaral sa De la Salle College of Saint Benilde.

Although Thea was diagnosed of hydrocephalus, isang chornic condition which usually can be controlled pero kadalasan hindi naku-cure. Pero ang early treatment ay maaaring makatulong na maging normal ang buhay ng may sakit nito.

Masayang-masaya si Angel for her daughter na si Thea na hindi nagpatalo sa depression at sa halip ay buong tapang nitong hinarap ang challenges na dumating sa kanya including her illness.

Si Angel ay isa sa mahuhusay na aktres the industry ever produced. Bukod sa pagiging mahusay na aktres ay napaka-professional nito sa kanyang trabaho kaya naman in-demand pa rin ito hanggang ngayon at hindi nawawalan ng proyekto.

Natutuwa rin ang aktres sa kanyang look-alike eldest daughter na si Iana dahil gumagawa ito ng sariling pangalan bilang actress at film producer without banking on her.

Boracho producer, maraming dinaanang pagsubok sa Mamasapano

Masaya ang bagong film producer na si Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films dahil pumasok bilang isa sa walong official entries ng 2022 Metro Manila Film Festival ang pelikulang Mamasapanao (Now It Can Be Told) base sa mga totoong pangyayari na sinulat na premyadong writer na si Eric Ramos at direksiyon ni Lester Dimaranan na siya ring nagdirek ng Nelia na isa rin sa entries nung 2021 MMFF.

Marami mang challenges ang kinaharap ng filming ng Mamasapano, napawi ang lahat nang ito’y makapasok sa Magic 8 ng 2022 MMFF, the only true-to-life story and action movie sa nasabing filmfest.

Tampok sa pelikula sina Edu Manzano who plays the role of Gen. Benjamin Magalong, now mayor ng Baguio City, Paolo Gumabao as Supt. Raymond Train, Aljur Abrenica as Lt. Franco, Allan Paule as Gen. Getulio Napenas, Rey Abellana at Col. Pabalinas, Gerald Santos at Sgt. Lalan at iba pa.

Kasama rin sa movie sina Ritz Azul, Myrtle Sarrosa, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Jojo Abellana, Jervic Cajarop at marami pang iba.

Barbie, lapitin ng kontrobersya

Alam mo, Salve A., mukhang lapitin sa kontrobersiya ang 24-year-old Kapamilya actress na si Barbie Imperial na nagsimula sa break-up nila ng dating Kapamilya actor na si Paul Salas in 2017.

Gumawa rin siya ng ingay sa kanilang pagitan ng Vivamax queen na si AJ Raval na kesyo nagkaroon ito ng ugnayan sa kanyang boyfriend pa noon na si Diego Loyzaga.

Pinag-usapan din nang husto ang break-up nila ni Diego Loyzaga last December matapos ipalabas ang kanilang first movie together, ang Dulo na dinirek ni Fifth Solomon under Viva Films at ipinalabas sa Vivamax.

Kung kelan magi-isang taon na ang paghihiwalay nila ni Diego sa darating na December ay mukhang hindi pa rin nakaka-get-over ang actress sa break-up nila dahil isang iskandalo naman ang kinasangkutan ni Barbie nang diumano’y saktan at kumprontahin niya ang Viva’s sexy actress na si Debbie Garcia sa isa gastropub in Quezon City nung nakaraang Biyernes, October 28. Ito’y na-witness ng ibang celebrities at tao na naroon mismo sa nasabing lugar.

Dahil sa nangyari, nagsampa ng kaso si Debbie last November 2 ng slight physical injury and grave oral defamation and grave slander laban kay Barbie.

Suportado rin ng Viva Artists Agency (VAA) ang move ng kanilang talent na si Debbie.

May kinikimkim pala umanong galit si Barbie kay Debbie na may kinalaman kay Diego nung sila na nagsimula nang magsama sa isang pelikula sina Diego at Debbie.

Wala umanong alam si Debbie sa basehan ng galit sa kanya ni Barbie.

vuukle comment

ANGEL AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with