Naku, feeling charity patient na ako ha. Sa rami ng mga nagpapadala ng love envelope at pledge para sa dialysis ko, para bang iniisip ko ang dami pala talaga ng nagmamahal sa akin.
Naloka ako last Saturday na lahat yata ng pinuntahan kong presscon parang naglaan ng special love envelope para sa akin. Si Mommy Pinty Gonzaga sa pamamagitan ni Jun Lalin, Jomari Yllana, at Abby Viduya, at kahit na nagpunta ng abroad si Rhea Tan ng Beautederm dahil malapit na ang birthday niya tumawag pa para itanong kung paano ipapadala ang GCash.
Feeling ko tuloy talagang may fundraising para sa akin dahil pati ang inaanak ko na si Roselle Monteverde gusto akong padalhan. Ito siguro ang sinasabi nila na good karma, Salve at Gorgy. ‘Yung mga panahon na hindi mo inaasahan, doon darating ang grasya sa iyo. Talagang punung-puno ang puso ko sa pasasalamat. Totoong dahil sa pagmamahal na nadarama ko parang mabilis ang aking paggaling.
Thea, hindi sanay na mabait
Ang bongga naman ni Thea Tolentino. Madalas natin siyang napapanood bilang kontrabida pero ngayon ay gaganap naman siya bilang mabait na kapatid sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Maski siya raw ay nagulat sa trailer dahil nanibago talaga siyang makita ang sarili na mabait.
Tinanggap niya ang challenging role dahil mas sanay raw siyang magsungit. Hindi nga raw naging madali para sa kanya at talagang nangapa raw siya noong umpisa. Hindi nga raw niya mapigilan dahil lumalabas daw ang mukha niyang mataray kaya nagpasalamat siya sa guidance ng mga director.
Kahit nahirapan siya sa bagong role ay unti-unti naman daw siyang naging komportable rito.
Bongga.