^

Pang Movies

Kuya Kim, nakaligtas sa Itaewon tragedy

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kuya Kim, nakaligtas sa Itaewon tragedy
Kuya Kim

Mahal talaga ng Diyos si Kuya Kim Atienza. Nakaligtas si Kuya Kim sa Halloween tragedy sa Itaewon district stampede na kanyang nasaksihan nang pumunta siya sa South Korea.

Nakatakda sanang i-cover ni Kuya Kim ang event sa first anniversary ng show niyang Dapat Alam Mo!

Lungkot ang namayani sa event sa halip na kasiyahan dahil natigil ito sa pandemic. Ayon sa report niya sa Unang Hirit, 151 na tao ang nasawi kasama ng isang actor-singer na Korean.

“We were here for the DAM anniversary, natiyempo lang ang stampede. God bless their souls,” pahayag ni Kuya Kim.

May photos ang broadcaster sa kanyang Instagram habang nasa Korea bago ang trahedya.

Sabi pa niya, mahigit 100,000 ang dumating na kabataan para sumaksi. Idinetal­ye niya ang daan patungo sa main street ng parade.

Eh dahil hindi raw nila alam na marami nang tao sa main street, naipit ang dumaan sa isang eskinita.

“Hanggang sa nagkaroon ng tinatawag na crowd crush,” sey pa niya.

Dumoble raw ang dami ng taong gustong sumaksi sa Halloween parade na ilang taon ding natigil dahil sa COVID.

Ipagdasal natin ang kaluluwa ng mga nasawi sa Itaewon tragedy.

Bardagulan nina Aiko at Beauty, nag-umpisa na

Well-crafted ang pilot episode ng Mano Po Legacy: The Flower Sisters na nagsimula noong Lunes.

Tinutukan talaga ito ng manonood kaya naman trending ito sa Twitter PH at gandang-ganda sila kina Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, at Thea Tolentino na mabait ang character for a change.

Crispy ang dialogues nina Aiko at Beauty bilang magkapatid na magkalaban. Lutang na lutang din ang ganda nila at pagiging fashionista, huh!

Simula pa lang ng patikim ng bardagulan nina Aiko at Beauty at lalo pa itong titindi kapag lumabas na ang mga bangis nina Thea at Angel Guardian, huh!

Congratulations, Ms. Roselle Monteverde ng Regal at Joey Abacan ng GMA!

KIM ATIENZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with