Nagluksa ang OPM lovers sa pagpanaw kahapon ng isa sa miyembro ng haligi ng Original Pilipino Music, APO (Apolinario) Hiking Society, na si Danny Javier.
Wala pa itong gaanong detalye habang sinusulat namin ito pero ilang araw pa lang ang nakakalipas nang banggitin ni Boboy Garovillo na hindi na ulit mabubuo ang trio ng APO dahil sa sakit nito.
Taong 2011 pa lang daw ay muntik nang mamatay si Mr. Javier dahil sa magkakasunod na sakit nito tulad pneumonia, kidney failure, liver collapse, hepatitis A, emphysema, congestive heart failure and sepsis.
“Si Jim (Paredes) is in Australia, but a lot of times, he’s also here in Manila. Still doing his writing songs and all. Danny is not well. He’s medyo may kahinaan, may karamdaman, so he is recovering. Pero ‘yung reunion, mukhang malabo ‘yun because hindi na possible,” banggit ni Mr. Garovillo sa media conference ng Unica Hija.
Kasama sa mga pinasikat nilang kanta ang Batang-Bata Ka Pa, Panalangin, Awit ng Barkada, Yakap sa Dilim, Ewan, Kaibigan, Pumapatak Ang Ulan, Mahirap Magmahal ng Syota Ng Iba, Nakapagtataka, Blue Jeans, Anna, When I Met You at ang Christmas songs nila na Tuluy na Tuloy pa rin ang Pasko, 12 Days of Pinoy Krismas, Paskong Walang Pera, Pasko na Sinta Ko, at maraming-marami pang iba.
RIP Sir Danny. Salamat sa magagandang musika at alaala.
Jomari at Abby parang laging nagha-honeymoon!
Parang laging nasa honeymoon stage sina Jomari Yllana at Abby Viduya.
Sila lang dalawa lang kasi sa bahay.
At mas ok daw sa kanila na walang kasama sa bahay.
Anyway, sakaling pakasal sila, ani Abby, mas gusto sana niya ang intimate lang pero ang gusto ni Jomari ay invited lahat ng mga kaibigan nila.
Samantala, nagbabalik sa racing circuit si Jomari.
Siya ang punong abala sa gaganaping Paeng Nodalo Memorial Rally sa November 5-6, Subic Bay Freeport.
Magsisilbi itong tribute kay Paeng Nodalo, isa sa mga haligi ng motorsports ng bansa, na nasa likod ng sikat na Mabuhay Rally.
Si Jomari, na kasalukuyang three-term councilor sa Parañaque City, ay ang unang Filipino na nakapuntos ng podium finish sa Yeongam International F-1 circuit sa South Korea noong 2014 at kilala na ang husay niya sa pangangarera.
Samantala, ang panganay na anak ni Jomari kay Aiko Melendez ay nagpapakita na ngayon ng interest sa nasabing sport.
“Hilig din niya. But, I tell him racing isn’t just a hobby. You have to be a professional to make it work,” paalala raw niya sa kanyang anak na naikuwento na niya noon na binigyan niya ito ng kotse na pangkarera.
Si Jomari na ang full name ay José María Garchitorena Yllana, ay sumikat noong 1990s sa teen group na Gwapings kasama sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at kalaunan ay kasama si Jao Mapa.
Sa darating na December ay magkakaroon siya ng acting comeback, playing the part of a politician, in an Erik Matti series, set for international release.
Among his memorable films bilang isang magaling na actor ay ang The Healing, Ikaw ang Pag-ibig, Sigaw, Minsan Pa, Gatas... Sa Dibdib Ng Kaaway, Bulaklak ng Maynila, Sambahin Ang Ngalan Mo, Sa Pusod ng Dagat, Diliryo, at marami pang iba.
Rhian, winner sa Queen’s Gambit!
Winner ang The Queen’s Gambit ni Rhian Ramos para sa kanyang Happy Halloween!! costume.
“Production design by @samverzosa (karelasyong businessman / politician ) using his sister’s chess set, an empty McCormick bottle, and a whole bunch of Luxxe White,” chika ni Rhian sa kanyang outfit.
Na-achieve naman niya talaga na walang masyadong effort.
Unlike ‘yung ibang celebrity na pinaghandaan ang posting sa social media ng kanilang Halloween outfit na may umay factor na actually.
Ang Queen’s Gambit ay isang 2020 American coming-of-age period drama.