Nagkasundo na kaya? Sarah, binura ang paghingi ng tawad sa mga magulang!
Nagkaayos na kaya si Sarah Geronimo at ang mga magulang niyang sina Daddy Delfin at Mommy Divine?
Wala na sa Instagram account ni Sarah ang panghihingi niya ng tawad sa kanyang pamilya particular na sa mga magulang niya noong Sabado.
Kasabay nito ang pagti-trend ng hashtag na #WeLoveYouSarah para sa Dati-dati niyang new single kahapon.
Maraming emosyonal sa paghingi ng tawad na ‘yun ni Sarah sa kanyang mga magulang na common knowledge na ginawa ang lahat noon para sa career niya kahit na nga sobrang naghigpit ang mga ito kay Sarah.
Actually, ang mommy Divine ni Sarah ang sobrang ma-PR noon sa entertainment press.
Magpapatawag siya noon ng get-together at makikipag-chikahan sa mga kaibigang press.
Pag-uwi ng mga ito, may nakahanda na siyang isang plastic na may lamang minsan tatlong apple, tatlong orange, konting ubas at iba-iba pa.
Tuwang-tuwa noon ang press at na-appreciate ni Mommy Divine ang kanilang suporta kay Sarah.
Nung unang panahon ‘yun.
Ngayon kasi iba na kasi ang mga artista, social media na ang sinasampalataya ng karamihan.
Anyway, maaalalang nalamatan ang relasyon ni Sarah sa mga magulang nang lihim silang pakasal ng mister na niya ngayong si Matteo Guidicelli na sinugod ni Mommy Divine.
Naging malaking isyu ito noon.
Anyway, wala nang paliwanag kung bakit binura ni Sarah ang nasabing post sa kanyang IG na diumano’y hindi niya personal na mina-manage, pero ang dasal ng kanyang fans ay sana ay nagkaayos na sila sa pamilya dahil maligaya na si Sarah sa asawa.
Stampede sa Itaewon, parang ozone tragedy
Parang Ozone Disco tragedy ang naganap na stampede sa Halloween party sa Itaewon, South Korea, kung saan umabot sa 151 ang namatay.
March 1996 noon nang maganap ang trahedya sa Ozone Disco na punung-puno ng mga estudyante na pumatay sa 150 habang dose-dosena noon ang malubhang nasugatan, na ayon sa pulisya noon ay marami ang nasaktan pa dahil sa pagmamadaling lumabas ng nasabing disco house na makitid ang labasan.
Ayon sa balita, naganap ang trahedya noong Sabado ng gabi, sa Itaewon, kung saan dumagsa ang libu-libong tao sa nasabing lugar sa Seoul upang ipagdiwang ang Halloween na nasabik mag-party.
Pero hindi pa malinaw ang sinasabing dahilan ng nasabing pangyayari.
Nitong Linggo ng hapon, 151 katao na sinasabing namatay sa tinuturing na isa sa pinakamalalang trahedya sa Seoul, South Korea.
Maraming turista ang kasama sa nasaktan ay may ilang namatay.
- Latest