^

Pang Movies

Elle, ‘di pa palaban sa hubaran

Gorgy Rula - Pang-masa
Elle, �di pa palaban sa hubaran
Elle

MANILA, Philippines — Ngayon na ang huling linggo ng Return to Paradise na consistent ding mataas ang rating.

Maganda ang resulta ng afternoon drama na ito ng GMA 7 dahil nabuo ang magandang friendship nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva.

Pero ang isa pang maganda rito ay napansin si Elle na puwede pala siyang pang-lead actress at puwede siyang lumaban ng paseksihan sa iba pang sexy stars.

Puwede kaya niyang sabayan ang Vivamax sexy stars kung sakaling bigyan siya ng isang project na sexy film?

Ani Elle: “To be honest, conservative po kasi ‘yung family ko. So, itong Return to Paradise parang ngayon lang ako nag parang kind of sexy na role, and then may kissing scenes.”

Hindi pa raw niya masabi sa ngayon kung handa na ba siyang magpa-sexy sa pelikula.

Pero kung talagang magandang project, puwede naman daw. Hindi nga lang daw niya kaya ang all-out na nudity.

“Siguro slowly going there. But I think, hindi ako mag-o-all out as in my nudity. Parang hindi ko pa po kaya,” pakli ni Elle.

Nagpapasalamat lang ang Kapuso sexy actress na nakatrabaho niya sa first starring role niya ang mga magagaling na co-actors na sina Eula Valdez, Teresa Loyzaga at marami pa.

Pagkatapos ng Return to Paradise, ang Unica Hija na ang ipapalit dito na magsisimula na sa Nov. 7.

Andrew, humihingi ng dasal sa matinding lagay ng asawa

Kasabay ng paghingi ng dasal sa kalagayan ng Pilipinas na binayo ng bagyong Paeng, may ilang netizens na nag-share ng recent Facebook post ni Andrew Schimmer na humihingi ng dasal sa kalagayan ng kanyang asawang si Jorhomy Rovero.

Umiiyak si Andrew na nakikiusap sa netizens na tulungan siya sa pagdarasal sa kalagayan ng kanyang asawa na dumadaan na naman sa matin­ding kalagayan.

Ilang linggo nang nakaraan, isinugod nila sa St. Luke’s Hospital si Jorhomy dahil sa mataas na lagnat at hindi na naman daw maganda ang kalagayan.

Patuloy nila itong minu-monitor at sa hu­ling FB post ni Andrew, ibinahagi niya ang hindi magandang balita.

Aniya: “Dun sa kanyang MRI, nakita na merong bagong swelling and bleeding na nangyayari sa brain niya.

“Tapos, kahapon during the MRI test, nag-arrest na naman siya. Nagkaroon siya ng second arrest kahapon.

“So, hihingi po sana ako ng tulong sa inyo. Please guys, help me pray.”

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with