^

Pang Movies

Gabbi at Kylie, pinagtatalunan sa Urduja

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gabbi at Kylie, pinagtatalunan sa Urduja
Gabbi at Kylie

Hindi pa man opisyal na naa-announce, nagtatalo-talo na ang Kapuso fans kung sino kina Kylie Padilla at Gabbi Garcia ang mas babagay sa role ni Princess Urduja sa gagawin ng GMA 7 na Princess Urduja. Sinabi pa lang na magsasama ang dalawa sa action-adventure series, kanya-kanya na ng opinyon ang fans.

Mas bagay raw si Gabbi dahil morena ito at morena si Urduja na kinontra ng mga bet si Kylie. Mas bagay raw si Kylie dahil mahusay siya sa fight scenes at kung magte-training man, hindi na masyadong mahihirapan dahil may background nga sa action, sa boxing at sa paghawak ng espada na ginawa niya sa Encantadia.

Anyway, kahit sinuman ang mapili, si Gabbi man o si Kylie o iba pang aktres ng Kapuso, sigurado namang gagalingan niya sa lahat ng aspeto. Sa acting, sa fight scenes, sa delivery ng lines at iba pang aspeto para maging maganda ang kalabasan.

Next year ang target airing ng Princess Urduja, may enough time pa sinuman kina Gabbi at Kylie ang mapili na mag-training nang todo.

Antoinette, sinagot ang dahilan ng pagiging single

Na-interview ni Pia Arcangel si Antoinette Taus sa podcast ni Pia na Surprise Guest with Pia Arcangel. Isa sa napag-usapan ay ang pananatiling single ni Antoinette at may sagot ang dalaga sa mga nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya nag-aasawa.

“I don’t even worry about it or think about it kasi for me, kung may dumating, I’ll be happy and inspired pero kung wala, I’m actually so focused on the work that I’m doing. I’ve found happiness in that to tell myself that, you know, a man should not be the definition of you feeling complete but if there is a man or a partner in your life who can support you, love you and catapult you into even more greatness, then why not ‘di ba?”

Sa ganoong pahayag tinapos ni Antoinette ang isyu sa pagiging single niya at nang i-check namin ang Instagram niya, nalaman naming UNEP Goodwill Ambassador si Antoinette. Ang ibig sabihin ng UNEP ay UN Environment Programme at concern sila sa tinawag nilang triple planetary crises na kinakaharap ng mundo.

Puwedeng-puwede pang bumalik sa showbiz si Antoinette, bakit kaya walang production na kumukuha sa kanya?

Sandro, ‘di nababakante

Kapatid pala ni Beauty Gonzalez ang role ni Sandro Muhlach sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Siya si Charlie Chua, ang lalaking anak nina Aurora (Isabel Rivas) at Leopoldo.

In fairness kay Sandro, kahit hindi pa siya nagbibida, sunud-sunod naman ang mga project niya sa GMA 7. Nakakaikot siya sa paggi-guest sa iba’t ibang shows ng network, pero ngayon lang magiging part ng series, kaya masaya itong nag-imbita na panoorin ang Mano Po Legacy: The Flower Sisters na this Monday, Oct. 31, 9:35 p.m., na ang world premiere.

Ang dad pala ni Sandro na si Niño Muhlach ay nasa cast naman ng Start-Up PH bilang ama ni Jeric Gonzales. Ang isa pang anak ni Niño na si Alonzo na lang ang hindi active sa showbiz ngayon at sa nakita naming photos, binatilyo na ang former child actor.

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with