Sarah, inaming araw-araw nami-miss ang kanyang mga magulang!

Sarah

After two years, nanghingi na ng tawad si Sarah Geronimo sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng isang post sa Instagram na karaniwang hindi niya ginagawa.

Kasabay nga ng pagragasa ng bagyong Paeng ang kanyang mahabang sulat.

Ang isang lihim na civil wedding sana nila noon ni Matteo Guidicelli ay naging iskandalo nang duma­ting si mommy Divine sa nasabing seremonyas na hindi invited.

Tinawag ang kanyang protective mom noon ng wedding crasher sa pagdating nito na lumikha ng eksena nang magsalita diumano ito ng “trinaydor n’yo ako.”

Alam sa buong showbiz kung paano prinotektahan ni Mommy Divine at Daddy Delfin si Sarah bago ito na-inlove sa kanyang asawa.

“Sa aking mga magulang.. walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay niyo sa akin, sa aming magkakapatid. Lahat ng suporta at pag-aaruga..ang inyong walang katumbas na pagmamahal, walang sino man ang pwedeng makapagpunan po nito.

“Mahal na mahal ko kayo.. daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip,” ang unang bahagi ng sulat ni Sarah.

“Kung meron man po ako natutunan sa sitwasyon na ito.. ito ay ang pang-unawa at pagtanggap na walang perpekto na buhay o pagmamahal mula sa ating mga tao lamang. Ang pinakaimportante ay ang pagpapakumbaba na tanggapin ang katotohanan na ito at pagtutulungan na maging mas mabuti at mapabuti ang buhay ng bawat isa lalong- lalo na sa isang pamilya. Dahil ang pamilya ay binuo ng Diyos, at patuloy itong magiging buo kung pagmamahal at pagpapakumbaba ang paiiralin sa ating mga puso ano man ang pagkakaiba o maging choices, desisyon sa buhay ng bawat isa.

“Napakadali din para sa atin na manghusga at magbigay ng opinyon sa buhay ng iba. Wala tayong kontrol sa pag-iisip nila, ang pinakaimportante ay alam mo kung ano ang katotohan sa puso mo. The truth is in the end, it’s just really between you and God.

“In my darkest hour, I was also reminded to look to God and feel his unfailing love and faithfulness through His word and grace. I have learned to find joy and peace again in God alone. The author of love and the perfecter of our faith.”

Nagpasalamat din si Sarah sa kanyang loyal popsters na laging andyan para sa kanya at sa manager niyang si Boss Vic del Rosario for almost 20 years.

Pinaalalahanan din niya sa nasabing sulat na pahalagahan ang bawat oras na ibinibigay ni Lord at iparamdam ang pagmamahal sa mga mahal sa buhay.

Kilalang hindi ma-social media si Sarah pero naniniwala silang galing sa puso ni Sarah ang paghingi ng tawad sa kanyang pamilya.

Joshua, umani ng mga papuri

Umani ng papuri si Joshua Garcia mula sa mga manonood dahil sa galing ng pagganap niya sa dual role niya bilang ang pulis na si Brian Robles at Dark Brian sa hit primetime series na Mars Ravelo’s Darna.

Bumilib ang netizens sa nakakabwisit niyang pagganap bilang Extra na nagpapanggap at sinisira ang magandang reputasyon ng orihinal na Brian.

 “Grabe yung @iamjoshuagarcia! Para talaga akong nanonood ng magkaibang tao!,” sabi ng isang loyal viewer nito.

“Joshua really portrayed dark Brian so well! Nakakabadtrip na ung pagka batugan nya,” sabi pa ng isang Twitter user.

Show comments