Maingay ang isyu na hiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Kumalat ang ilang video na hindi na sila sweet nang may ilang magpa-picture sa kanilang fans.
Pero wala naman kaming nakitang kakaiba nang magkaroon sila ng presscon para sa finale ng super hit series nilang 2 Good 2 Be True last week.
Ganun pa rin sila though, parang medyo wala sa sarili si Daniel dahil pinapaulit niya ang ibang tanong pero binubulungan siya ni Kathryn.
Pero ang isang sinagot nila ay handa silang gumawa ng project na magkahiwalay pagkatapos nitong 2 Good 2 Be True.
Ginawa ring big deal sa social media ang sagot nila tungkol sa loyalty.
What is loyalty for you tanong sa nasabing presscon ng isa sa mga invited na press?
“Loyalty for me is being contented. Because if you’re contented, you won’t look for any more person,” ayon kay Kathryn.
“Alam n’yo sinong pinaka-loyal? ‘Yung aso ko, si Summer. ‘Yun ang pinaka-loyal. Doon ko makikita ‘yung definition ng loyalty na kahit ano man ang pinagdaraanan ko, kung ano mang sitwasyon ng emosyon ko ngayon, sino ako ngayon tatanggapin ako nang buong-buo nu’n. ‘Yun ang loyalty. Walang judgment kung sino ka,” sagot naman ni Daniel that night sa face-to-face presscon na inabot ng halos 10:00 p.m.
Mahiwaga ang naging dating ng nasabing sagot nila na nagpatibay sa umiikot na balitang hiwalay na sila sa kasalukuyan o baka naman may LQ lang.
Samantala, nanatiling most-watched series ang 2G2BT sa Netflix PH at hindi naman din ito naaalis sa Top 10 shows ng iWantTFC simula noong Mayo.
Bukod sa pagtre-trending ng mga nakakakilig nilang eksena, labis din na napag-usapan at umani ng mga papuri sa pagpapakita ng programa ng F.A.S.T method at CPR na nakatulong sa ilang netizens sa emergencies.
Jennylyn, naghahanda na sa pagbalik
Nakakalabas-labas na ulit si Jennylyn Mercado.
Obvious na inaasikaso na niya ang pagbabalik sa showbiz matapos manganak sa first baby nila ni Dennis Trillo.
Nagpupunta na siya sa beauty clinic at nagpi-pilates na rin.
Ang balita ko, itutuloy nila ni Xian Lim ang naunsyami niyang tambalan sa Love. Die. Repeat dahil sa kanyang pagbubuntis.
Pero mapapanood muna si Jennylyn ngayong gabi sa Magpakailanman hosted by Ms. Mel Tiangco.
Dahil sa hirap na pinagdaraanan ng isang pamilya, napilitan silang umasa sa isang manggagamot o healer. Ito ba ang solusyon sa lahat ng problema nila o lilikha pa ito ng matinding problema?
Panoorin ang In the Hands of the Fake Healer live ngayong Sabado, 8:15 p.m., sa GMA Network Facebook & YouTube!