^

Pang Movies

Mga Kapuso, nagpatalbugan sa Halloween Party

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga Kapuso, nagpatalbugan sa Halloween Party
Andrea

Bongga ang Sparkle GMA Artist Center dahil pinaghandaan talaga ng Kapuso celebrities at online influencers ang kanilang mga costume sa Halloween party nilang The Sparkle Spell: Ghosting Made Fun.

Ang witty at unique ng mga costume nila. Agaw-pansin din si Alden Richards na ginaya ang favorite game character nito sa Final Fantasy. Kaya naman nanalo ito bilang Male Best Dressed.

Ang hot din ni Andrea Torres sa costume nito bilang Ursula kaya siya naman ang nakatanggap ng Female Best Dressed Award.

Talagang nagpatalbugan ang mga Kapuso sa blood carpet event. Walang nagpahuli pagdating sa pagrampa.

Rhea, lutang ang sinseridad

Isa sa pinakamahal ngayon ng mga taga-showbiz si Rhea Tan ng Beautederm.

Talagang nakuha niya ang puso ng marami dahil na nga kitang-kita mo ang sincerity sa kanya. Talagang sasabihin niya sa iyo ang katotohanan ng isang bagay kahit pa nga alam niya na hindi dapat ginawang demand iyon dahil alam niya na unfair. Dahil alam niya na nega ang nasabing demand kaya hindi na siya nagtaka na hindi naging matagumpay ang sales ng isa sanang mabiling produkto.

Ganu’n kabait si Rhea Tan ng Beautederm kaya naman halos lahat ng stars gustong masali sa Beautederm ambassadors. Dahil sa sincere at honest na pakikitungo ni Rhea Tan kaya naman naging matagumpay siya sa negosyo.

vuukle comment

ANDREA TORRES

KAPUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with